Alam n’yo ba?
Narito ang ilang pangalan ng mga lugar sa ating bansa at ang ibig sabihin nito: Abra - Ang ibig sabihin ay lagusan; Albay – Tabi ng baybayin; Antique-Malalaking langgam o hantik; Bacolod-Magkakarugtong na bulubundukin; Balanga-Kaldero; Batanes-Ivatan o mga taong katutubo na nakatira dito; Basilan-Magkakarugtong na bakal;Batangas-Batang o malalaking torso; Biliran- Uri ng damo na ginagamit sa paghahabi; Bulacan-Bulak o “cotton”; Butuan-Uri ng prutas na dito nakukuha; Cagayan-Salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay ilog; Camiguin-Ibig sabihin ay kamagong, uri ng puno na nagmula naman sa ebony family.
- Latest