^

Para Malibang

Sobrang katabaan, iwasan Last part

BODY PAX - Pang-masa

6. Magluto ng tama lang - Ito ay maaa­ring nangyayari sa inyong pamilya, nagluluto ng maramihan sa hapunan. Kapag mas maraming niluto ay mas mapaparami ang inyong makakain dahil iisipin mo na masasayang lang ito kapag hindi naubos.  Kaya kung gustong malimitahan ang inyong kinakain lalo na sa gabi ay marapat lang na magluto ng tama at sapat sa bawat miyembro ng pamilya.  Tandaan na dapat na konti lang ang kinakain  sa hapunan dahil mas mabagal ang metabolismo sa gabi at kapag mabagal ang metabolismo mas malaki ang tsansang tumaba.

7. Huwag bumili ng junk food - Kung ikaw ay nagke-crave sa junk foods at wala ka nito sa bahay ay hindi mo nanaisin na pumunta sa grocery para lang bumili at sa ganitong pangyayari ikaw ay makakaiwas kumain nito. Ang mga junk foods ay isa sa mga dahilan ng labis na katabaan.

8. Kumain ng mayaman sa protina - Siguruhin ang iyong agahan, tanghalian at hapunan ay may sapat na protina na kailangan ng ating katawan. 

9. Huwag liliban sa pagkain ng agahan

May mga benepisyo sa pagkain ng agahan na maaaring makapagpapaiwas sa’yo sa sobrang pagkain. Kapag ikaw ay lumiban sa pagkain ng agahan ang iyong katawan ay makakaramdam ng sobrang gutom na maaaring magpakain sayo ng mga pagkain na walang sustansiya. Ang pagkain ng mayaman sa protina at fiber ay makapagbibigay sa’yo ng sapat na enerhiya na kailangan mo sa buong maghapon.

 

vuukle comment

HUWAG

KAPAG

KAYA

KUMAIN

MAGLUTO

PAGKAIN

SIGURUHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with