^

Para Malibang

Paraan para maging masaya sa V-Day

The Philippine Star

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano ka magiging masaya ngayong parating na ang Valentine’s Day kahit pa ikaw ay nag-iisa at walang ka-Valentino. Narito pa ang ilan:

Magpaganda – Wala ng iba pang epektibong paraan upang maramdaman mong ikaw ay maganda kundi sa pamamagitan ng pagpapaganda sa  iyong sarili. Maaari kang magpunta sa parlor para magpa-rebond o magpakulot? Magpa-facial para sa mas makinis at fresh na mukha.  Sa ganitong paraan, hindi lang pagi­ging maganda ang iyong mararamdaman kundi pagiging mayaman din.

Magkaroon ng “celebrity smile” – Batay sa pag-aaral, ang mga taong mahilig ngumiti ay mas maganda kumpara sa mga taong madalang ngumiti.  Kaya lang minsan, nako–conscious kang maging smiling face dahil hindi naman kaputian o kagandahan ang iyong mga ngipin. Pwes, may solusyon dyan. Kung ang iyong ngipin ay medyo dilaw na, na siya namang normal, dahil kapag nagkakaedad na ang tao ay medyo dumidilaw ang ngipin, dapat ay gumamit ng lipstick na kulay red at pink. Sa ganitong kulay ay mas magiging maputi tingnan ang iyong mga ngipin.

Magpasarap – Kung wala ka naman schedule na ka-date kahit pa sa iyong mga kaibigan, mas mabuting magpunta sa spa at magpa-body scrub, magpa-hair treatment o mag-milk bath. Dahil dito, mararamdaman mong ikaw ay maganda at “hot” kumpara sa iba.

vuukle comment

BATAY

DAHIL

IYONG

KAYA

MAAARI

MAGKAROON

MAGPA

MAGPAGANDA

MAGPASARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with