^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (6)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KINILABUTAN si Monica nang magising kinaumagahan. Pareho silang hubad ni Jake sa loob ng iisang kumot!

Pinagdudahan ng dalaga ang boyfriend. “Pinagsamantalahan mo ba ako, Jake, habang natutulog?”

“Hindi ko magagawa iyon, Monica, I swear! Hindi kita hinubaran at hindi rin ako naghubad!” mariing tanggi ng binata.

Nagkatinginan ang dalawang photo-journalist. May iba bang nakialam sa kanila habang sila’y tulog sa magdamag?

Magkatabi silang nasa loob pa rin ng iisang kumot. May nakapagitang unan sa kanila, gaya ng anyo nila bago natulog.

Pero sila ay nakadamit nang disente last night; ngayo’y hubad na nga.

“Bumangon ka na, Jake. Napakahalay na tayo’y magkasukob na walang damit.”

Nalilitong sumunod sa utos ng nobya si Jake.

 Nalabi naman ang underwear nila; siya’y meron pang brief na suot; si Monica’y naka-panty at bra.

Hinanap agad nila sa tabi ng higaan ang mga damit nila.

Wala kahit isa. Kahit sa buong bahay na inupahan ay wala ang mga suot nila last night.

Not a trace; naglahong parang bula ang mga ipinantulog.

“Jake…” Hindi malaman ni Monica ang iisipin; kung paano ang nangyari at nahubaran sila; kung saan na napunta ang mga pantulog.

“Jake,  may nakialam sa atin last night—while we’re sleeping.”

Tumango si Jake matapos bumuntunghininga. Klarong ganoon nga ang nangyari.

“Pero sino, Monica?  At paano nakapasok?”

Saradung-sarado naman ang pinto nila, nakatrangka mula sa loob. Ang bintanilya, kahit nakabukas, ay nanatiling may rehas.  Imposibleng merong nakapasok na tao.

“Jake, baka pinasok tayo n-ng multo…”

“Monica,  walang multong naghuhubad ng damit ng taong buhay.” .

Naroon pa naman ang lahat nilang ibang gamit—backpack, camera, sapatos, sepilyo, etsetera.

SA TABI ng sinkhole o butas na lupa natagpuan ang mga nawawalang pantulog ng magkasintahan. (ITUTULOY)

 

 

               

vuukle comment

BUMANGON

HINANAP

IMPOSIBLENG

JAKE

KAHIT

KLARONG

MAGKATABI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with