^

Pang Movies

Marvin, ibinalik ang alaala ni Ronaldo

Salve V. Asis - Pang-masa
Marvin, ibinalik ang alaala ni Ronaldo
Jolina at Marvin

MANILA, Philippines — Gulat ang mga dumalo sa preview ng bagong TV5 series na Mommy Guard, ang balik-tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, nang makita ang pictures ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez sa ilang eksena nito.

Ipinapanood nga ng Kapatid network sa ilang showbiz press at fans ang first two episodes ng reunion ng MarJo na dinirek ni Roman Perez Jr.

Ayon naman kay Direk Roman, maayos nilang ipinaalam sa pamilya Gibbs ang paggamit sa mga larawan ng veteran actor na pumanaw kung saan nasa naratibo umano ng kwento ay lumalabas bilang ama ng karakter ni Marvin at founder ng pinamumunuan nitong eskwelahan.

Dagdag ni Direk Roman, kaibigan niya si Tito Ron at matagal-tagal din silang nagkasama sa trabaho noong ito’y nabubuhay pa.

Saka tumatak sa audience ang karakter bilang mag-ama nina Marvin at Ronaldo sa 1998 rom-com na Labs Kita, Okey Ka Lang? kaya naisip niya na ibalik ang alaalang ito sa telebisyon ngayong 2026.  “Si Ronaldo Valdez, nagbasag ng gitara, ‘yan ‘yung alaala. So ibabalik natin ‘yung alaalang ‘yon,” diin ni Direk Roman.

Although hindi pa raw napapanood ng pamilya nila Janno Gibbs ang Mommy Guard, sobrang grateful daw ng mga ito na naalala ng produksyon ang patriarch ng Gibbs.

But anyway, todo pa rin ang kilig at husay sa pag-arte ng tambalang MarJo sa Mommy Guard.

Bilang Tina, ginagampanan ni Jolens ang isang nanay na gagawin ang lahat para mabigyan ng magandang future ang anak niyang si Happy (Amo Wilding).

Pero bago magsimula ang kanyang journey, makakasagupa muna niya si Pio (Marvin) sa isang maliit na traffic altercation na mauuwi sa isang sobrang sablay at nakakatawang first encounter.

Nang dalhin ni Tina si Happy para kausapin ang principal ng school na gusto niyang mapasukan ng anak, doon niya malalaman na si Pio pala mismo ang principal.

At nang hindi niya kayanin ang tuition, kukunin ni Tina ang avai­lable na trabaho bilang school guard — at doon magsisimula ang pang-araw-araw na asaran, kulitan, family problems, unexpected friendship at baka pati love.

Kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa, Roxanne Guinoo, Susan Africa, Ruby Ruiz, atbp., babantayan ng Mommy Guard ang happiness n’yo araw-araw simula Oct. 19, Monday to Friday, 2:30 p.m. sa TV5 at ABS-CBN platforms.

RONALDO VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with