^

Pang Movies

Sikat na aktres at aktor, ayaw aminin ang tikiman!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Marunong gumawa ng paraan ang isang sikat na aktres upang mapalapit sa aktor na gusto and eventually eh matikman!

Ganyan ang ginawa ng aktres sa isang guwapo pero supladong aktor nang magsama sila sa isang out of town event.

Eh that time kasi may nali-link din na aktres ang aktor. Pero maraming kontrang kamag-anak ng aktres sa aktor kaya hindi rin pangmatagalan ang naging relasyon nila.

Kaya itong sikat na aktres, ginawa ang lahat upang magkatabi sila ng kuwarto ng aktor sa hotel. Natupad ang wish ng aktres na tabi sila ng room ng aktor at sa madaling-araw daw naganap ang kanilang non-stop na chikahan na humahantong sa ngiti sa labi ng aktres kapag nasa kuwarto na niya at nakahiga sa kama, huh!

Sa ngayon eh natsitsismis na may relasyon na ang dalawa pero walang aminang nangyayari kahit nagkatikiman na, huh!

Sen. Robin, kakampi ni Maricel

Matapang talaga si Maricel Soriano kahit na nga hearsay lang ang ebidensiyang lumabas na nasa PDEA drug list siya DIumano na kumalat sa social media.

Itinanggi ni Marya na gumagamit siya ng drugs. Wala siyang alam sa ibinibintang sa video.

Naging suporta naman ni Maricel si Senador Robin Padilla na nakiusap na huwag idamay sa pulitika ang mga artista.

Nawa’y matigil na itong issue kay Maricel na nananahimik!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with