^

Pang Movies

Derek at Ellen, na-fake news din sa hiwalayan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Derek at Ellen, na-fake news din sa hiwalayan
Ellen at Derek
STAR/File

Mali ang mga tsismis, dahil may lumabas na pictures nina Derek Ramsay at Ellen Adarna kaya’t hindi totoo na sila ay nagkakalabuan at hiwalay na.

Ipinost pa ng nanay ni Elias ang mister sa IG Story nito na may background music na Especially For You.

Alam naman ninyo, kung minsan iyang mga marites, mas mabilis pa sa hula ni Madam Auring pero lumalabas na hindi naman pala totoo.

Pero ang talagang inaabangan ngayon ay kung totoong buntis na ba si Ellen.

Kim, ayaw pagpahingahin!

Ngayon tuwiran nang inamin ni Xian Lim an nagde-date sila ni Iris Lee at masayang-masaya sila.

Ibig sabihin talagang dinispatsa lang niya si Kim Chiu?

Ito namang si Kim inirereto ngayon ni Vice Ganda doon sa abogadong taga-Cebu.

Bakit hindi muna nila pagpahingahin si Kim Chiu?

Dapat siguro magpahinga muna siya sa kanyang love life, maghintay muna ng tamang panahon na may makikilala siyang isang lalaki na talagang magmamahal sa kanya at hindi siya didispatsahin kung magsawa na.

Ate Vi, ‘di naghahabol sa National Artist

Talagang mahigpit ang pagbabantay ng isang ‘kulto’ sa CCP at NCCA ang lahat ng galaw doon. Medyo magkakaroon ka ng duda sa sinasabi ng isa sa kanila na may pribilehiyo siyang magkaroon ng access sa official documents, dahil nauuna pa nilang naipo-post kung ano man ang nangyayari kaysa sa mga opisyal na announcement ng CCP at NCCA.

Wala man silang tuwirang access, posibleng may mga contact sila na nakakaalam ng mga iyon at siyang nagsasabi sa kanila.

Ang grupo ring iyan ang nagsasabing gagawin nila ang lahat para hindi ma-nominate si Vilma Santos bilang national artist.

Aywan nga ba kung bakit parang ikamamatay nila kung si Vilma Santos ay maideklarang isang national artist. Para bang sa kanila it is a matter of life and death.

Parang iyon na ang katapusan ng mundo nila basta nangyari.

Bakit nga ba?

Nang sabihin nga iyan kay Ate Vi, natawa na lang siya at sabi, “Iyong awards, nagpapasalamat ako sa aking fans at ilang kaibigan sa academe who are all concerned, pero para sa atin bonus na lang iyan eh. Ang talagang award na gusto ko ay iyong suporta ng publiko. Iyong pagbabalik ng publiko sa mga sinehan sa kabila ng hirap ng buhay. Doon mo madarama ang pagmamahal sa iyo ng bayan, hindi sa isang medalyon at ayudang matatanggap ko mula sa gobyerno. Habang ang mga pelikula ko ay kumikita at nagugustuhan ako ng publiko mananatili akong isang artist pero kahit isang tambak man ang tropeo ko, at mabali na ang leeg ko sa bigat ng napakaraming medalyon, wala iyan kung hindi naman ako pinapansin ng publiko at sinasabing has been na ako,” pahayag ni Ate Vi.

Robin, naalala kay Cedric Lee

Dinala na sa Correctional Institute For Women sa Mandaluyong si Deniece Cornejo at iyong si Simeon Raz ay idiniretso na sa New Bilibid Prison matapos na hatulan ng RTC ng reclusion perpetua sa kasong detention for ransom na iniharap ni Vhong Navarro.

Si Cedric Lee naman ay sumuko na sa NBI at naghihintay ng committment order mula sa Korte kung saan siya ililipat, habang inihahanda nila ang kanilang apela sa Court of Appeals.

Kagaya rin iyan ng nangyari kay Robin Padilla, na inakala ng iba na makukulong ng 17 taon, pero dahil sa maayos na character ay nabigyan ng parole noong panahon ni Presidente Ramos matapos lamang ang minimum na tatlong taon, at binigyan ng absolute pardon nang malaunan ni Presidente Duterte, kaya nakakandidato pang senador at nanalo.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with