Cedric at ibA pa, aapela na!

Vhong

Nagpasalamat na si Vhong Navarro sa RTC matapos na sabihing guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng illegal detention for ransom.

Nag-ugat iyan dahil sa akusasyon ni Vhong na siya ay ginulpi at tapos ay pinilit pang dalhin sa presinto sa Taguig kung saan siya pinaamin na may balak umano siyang gahasain si Deniece sa mismong condo na inuupahan noon. Bukod kay Lee, may iba pa na inakusahan si Vhong na kasabwat sa nangyari sa kanya.

Hinatulan ng RTC ang lahat ng mga akusado ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo bukod pa sa damages na kailangan nilang bayaran. Pero hindi pa rin tapos ang kasong iyan.

Ang naging desisyon ng RTC bagama’t masasabi ngang isang tagumpay para kay Vhong ay simula pa lamang. Ang kaso ay maaaring iapela at tiyak namang iaapela nina Cornejo at Lee sa Court of Appeals.

Kaya kung ang iniisip ng mga nakarinig ng balita na kulong na ang mga kalaban ni Vhong mukhang malayo pa iyon. Maaaring tumagal pa ang kasong iyan nang ilang dekada bago lumalabas ang tunay na desisyon.

Sa ngayon, wala pang katiyakan ang katapusan ng kasong iyan at kung papayagang makapa-pyansa sila Cedric Lee at iba pa para makalabas habang inaapela ang kaso.

Francine, Nabuking ang pag-lipsync

Iyong isang simpleng performance lang sa isang out of town show sa San Jose, Mindoro ay naging kontrobersiyal dahil lamang sa issue ng singitan.

Ayon sa kuwento, nakahanda nang mag-perform ang bandang Orange and Lemons, katunayan ay nasa stage na sila at naka-set up na ang kanilang instrumento nang biglang tawagin ng emcee si Francine Diaz na agad namang pumasok sa stage at nagsimulang kumanta, hindi man lang nagpasintabi sa banda na dapat mauna sa kanya.

Sinasabi ring sa sequence ng show talagang mauuna ang Orange and Lemons at pagkatapos nila at saka papasok si Francine Diaz pero sinabi raw noon na paunahin na siya dahil masakit na ang ulo niya.

Tila mali ang naging kilos ni Francine Diaz at ng kanyang road manager sa pagkakataong iyon.

Mabuti naman at hindi nag-walk out nang tuluyan ang Orange and Lemons. Umakyat pa silang muli sa stage pagkatapos ng gulo. Pero sinabi nilang matagal din naman silang naghintay para sa show dahil na-delay nga ang pagsisimula noon.

Isa pa, nang kumanta si Francine, lumabas na napakahina ng kanyang boses dahil maski na ang nagpapatugtog ng sound system ay naguluhan dahil sa biglang pagpapalit ng sequence, tapos nagsalita sa microphone si Francine na lakasan ang music, nilakasan at lumakas din ang kanta.

Halatang nag-lip sync lang pala siya sa performance na iyon. Bakit malakas ang mic kung nagsasalita lang siya at mahina sa unang pasok ng kanyang kanta?

May nagsasabi pang hindi raw iyan ang first time na may nangyaring ganyan. Ibig sabihin sanay na silang isinisingit si Francine kung gusto nila?

Show comments