^

Pang Movies

Na-trauma... Heart, nabudol ng kaibigan sa lip filler

Salve V. Asis - Pang-masa
Na-trauma... Heart, nabudol ng kaibigan sa lip filler
Heart

MANILA, Philippines — Inamin ni Heart Evangelista na nagkaroon siya ng trauma matapos magpagawa ng lip filler sa isang malapit na kaibigan na walang lisensya na gumawa ng nasabing cosmetic procedure.

Pumalpak umano ito at lumabas na hindi pantay ang kanyang labi.

Ito ay bilang sagot ni Heart sa kanyang deleted na Instagram livestream.

“I did get lip filler. I just didn’t want to talk about it because I was super traumatized, because when I got the lip filler, I went against Dr. Aivee.

“I didn’t do it with her. I did it with somebody that was very, very close to me, but he didn’t have the license to do my lips.”

Awws.

Sino kaya ‘yun?

Maaalalang my time noon na ibang-iba ang labi ni Heart na nilait-lait ng ibang netizen.

Claudine hinihintay magparamdam si Jaclyn, pumayat sa pagluluksa

“I’m really still grieving, kaya siguro pumayat din ako ng 11 lbs,” pag-amin ni Claudine Barretto nang tanungin namin kung aware siyang nasa emergency number diumano siya ng namatay na mahusay na actress na si Jaclyn Jose.

Hindi raw makakain at ‘di makatulog pagkatapos ng nangyari sa actress si Claudine na first time ring nag-eulogy.

Pero nagparamdam ba sa kanya si Ms. Jaclyn?

“Sana nga magparamdam siya kahit sa panagi­nip lang,” sabi pa ng actress nang makausap namin sa pocket presscon para sa pelikula nila ni Beaver Magtalas na When Magic Hurts na malapit nang mapanood sa mga sinehan.

Samantala, naniniwala si Claudine na nakikita niya si John Lloyd Cruz kay Beaver.

“I know one when I see one. Gwapo siya, he has the X-factor. Maraming artista pero hindi lahat may X-factor na tinatawag. He needs to develop his confidence. And then when I saw him, I told myself, may kamukha siyang artista. Until I realized it was John Lloyd Cruz,” chika ng actress.

Bongga si Beaver.

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang When Magic Hurts na dinirek ni Gabby Ramos.

Bahay ni Big Bro tina-target na gawing museo ng Pelikulang Pilipino; QC nag-apply sa UNESCO na maging Creative City for Film!

Nag-apply ang Quezon City sa UNESCO upang ito ay maging Creative City Center for Film.

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmote kahapon.

“Isa sa mga sinusubukan na namin sanang pagtagumpayan in the year 2025 is we are going to apply to be a UNESCO Creative City Center for Film. So may criteria ‘yan at unti-unti na naming sinusubukang ma-achieve ‘yung iba’t ibang criteria,” umpisa niya pagkatapos ng induction ng new set of officers ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) kahapon na ginanap sa kanyang opisina sa QC Hall.

“One of them is of course to have… sana a museum so we’re working with the Mowelfund kasi lumipat sila ‘di ba, so mas maliit na ‘yung kanilang building ngayon. At marami silang mga artifacts galing sa mga iba’t ibang pelikula, iba’t ibang artista and we’re working with them to create a permanent museo, Museo ng Pelikulang Pilipino. So isa ‘yan sa mga on the works naming mga project,” dagdag ni Mayor Joy.

Ibinenta ang ilang bahagi na kinatatayuan ng dating Mowelfund Museum. At kabilang nga sa sinasabing na-displace ay ‘yung collection ng FPJ memorabilia na dati ay nasa Mowelfund.

“Maraming na-displace actually at nanghihinayang naman si Tita Boots (Anson Roa) kaya sabi ko naman consistent siya sa gusto nating mapatupad dito sa Quezon City to be really known as Creative City for Film so we are going to work on that museum together.

“And isa rin sa mga ginagawa naming initiatives to help the industry is magkakaroon tayo ng isang ordinansa. Of course it is still currently being crafted. Medyo madugong ordinansa siya. Pero para magkaroon tayo ng one-stop shop, para lahat ng filmmakers maengganyo, mahikayat na dito na lang sa Quezon City mag-shoot, isa na lang pupuntahan nila, may office, tapos sasabihin nila sa amin ‘ito ‘yung kailangan kong scenes,’ either university scene, barangay scene, crowd scene, ganyan, kami na ‘yung mag-o-organize lahat, magbabayad sila, diretso sa amin. Kasi ‘di ba ang nangyayari ngayon, pupunta sa Brgy. A, sisingilin sila ng Brgy. A, walang resibo, pupunta sa Brgy. B, ito kami na lahat and may resibo siya. At lahat kami na ‘yung makikipag-ugnayan sa iba-ibang location na gugustuhin ng filmmaker. O kaya kung wala siyang idea, kami rin ‘yung magsa-suggest ng potential film location.”

Sa ngayon ay pinag-iisipan na nila ang posssible location ng itatayong Museo ng Pelikulang Pilipino. “Well, iniisip namin, either ‘yung dating QCX kasi nagsara na ‘ung museum na ‘yun dahil nga sa pandemic dahil interactive siya, so ‘yung mga gadget, medyo naluma, at iniisip namin doon, kailangan high ceiling, kasi malawak kasi kailangan ng maraming mannequin dahil maraming costume ang kasama riyan sa Mowelfund Museum na iyan, so that’s one option.

“Ang second option naman namin is ‘yung Big Brother House na ngayon ay hindi naman na ginagamit so baka sakaling payagan nilang ibigay na lang sa Mowelfund. So antabayanan na lang ninyo kung ano ang magiging outcome ng pag-uusap namin,” dagdag na pahayag ni Mayor Joy.

Samantala, kung ang ibang local government unit ay ngayon pa lang magpapatupad ng hindi paniningil ng amusement tax sa local films, sa QC ay matagal nang may ganitong policy.  “’Yung walang amusement tax para sa mga local films, matagal na naming pinapatupad ‘yon. Matagal na. Alam ko na ngayon ay hinihikayat ng MMDA lahat ng mga lungsod na gumaya na sa polisiya ng lungsod Quezon kung saan para makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino ay huwag nang patawan pa ng amusement tax.”

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with