^

Pang Movies

Beaver, nakipagsabayan kay Claudine!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beaver, nakipagsabayan kay Claudine!
Beaver at Claudine

Maganda ‘yung collab nina Claudine Barretto at Beaver Magtalas para sa pelikulang When Magic Hurts.

Dapat ganyan talaga ang gawin para kay Beaver. ‘Yung ipareha siya sa mas senior star sa kanya para lalo siyang mahasa. Ta­lented at very hardworking si Beaver kaya dapat talagang bigyan ng malaking break.

Sana nga tuluy-tuloy na ang magandang pangyayari sa career ni Beaver dahil isa siyang mabait at very hardworking talented kid na puwede sa musical at drama.

Coco at Ruru, hinihintay rin ang sanib-puwersa!

Talagang iba pa rin ang excitement sa pagsanib-puwersa ng GMA at ABS-CBN dahil sa pagpasok ng It’s Showtime sa Channel 7.

Hindi mo aakalaing mangyayari ito sa taong 2024 na very eventful dahil nawala ang network war. Mukhang magkakaroon ng big splash ang taon dahil umpisa pa lang exciting na.

Imagine mo na pasok sa GMA grounds ang mga taga-Showtime. Parang hindi mo maisip na mangyayari pero nangyari.

Kaya naman huwag ka nang magtaka kung ang susunod si Coco Martin na ang makita mo sa GMA kasama ni Ruru Madrid, ang Black Rider sa Batang Quiapo.

Hindi malayo, ‘di ba, at puwedeng mangyari, why not?

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with