^

Pang Movies

Alden, sinagot ang pagkadawit kina Catriona at Sam!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, sinagot ang pagkadawit kina Catriona at Sam!
Alden at Catriona

“Hindi po ako nakikiapid!” Ito ang diretsong sagot ni Alden Richards nang tanungin ni Ogie Diaz kung totoo ba ang tsismis na siya ang dahilan ng pagkakalabuan ngayon nina Sam Milby at Catriona Gray.

Nagsimula ang ispekulasyon kina Alden at Catriona nang magkasama sila sa isang endorsement kamakailan at timing naman na that time ay lumabas na nga ang tsikang hiwalay na si Sam at ang beauty queen.

Tanong ni Ogie, “so kasalanan mo, Alden?”

Sagot ng aktor, “wala po akong kinalaman sa mga balitang ‘yan.”

Tanong ulit ni Ogie, “so hindi ikaw ang 3rd party?

Sey ni Alden, “hindi po ako nakikiapid. Never ko pong ginawa ‘yan sa buong buhay ko.”

When asked kung ano ang initial reaction niya na nadamay siya sa issue nina Sam at Catriona, natatawang sabi ni Alden, “parang ako na lang lahat, parang sandali, nananahimik po ako.”

Matatandaang nadawit din si Alden sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Seriously, paglilinaw ng aktor, “just to clarify and to clear the air, wala po akong kinalaman. Anything that happens between the lives of the people that are parang connected romantically in showbiz that are good friends of mine, wala po akong kinalaman do’n.”

Hirit pa ng Asia’s Multimedia Star, “Pramis po, mamatay na po ako.”

He added, “pero sana rin po, at the end of the day, lahat man ng gusot na meron po between partners, maayos po eventually. Kasi, you know, ang sagot naman po minsan talaga ay pag-ibig, eh, sa lahat ng mga misunderstandings.”

Pamilya Eigenmann, nagsama-sama…

Na-cremate na ang labi ni Jaclyn Jose noong Lunes, March 4, kasabay ng unang araw ng kanyang burol.

Sa unang lamay para sa aktres sa Arlington Chapel ay dumagsa ang mga kaanak, kaibigan at celebrities na nakiramay.

Base sa mga larawang naipost sa social media, duma­ting sina Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, Alden Richards, Amy Austria, Ivana Alawi, Sylvia Sanchez, Claudine Barreto, among others.

Of course ay hindi pwedeng mawala ang Eigenmann family sa pangunguna ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann. Naroroon din sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, Max Eigenman, Michael de Mesa at ang kapatid ng yumaong aktres na si Veronica Jones.

Spotted din sa first night ang pillars ng Eigenmann clan, ang mag-asawang Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Present din si Jake Ejercito na dating boyfriend ni Andi at ama ng kanilang anak na si Ellie.

Bawat gabi ay ilalaan sa mga nakatrabaho ni Jaclyn sa GMA, ABS-CBN, Viva Films, at ang PPL Entertainment na management team niya.

Kagabi (March 5) ay gabi naman ng FPJ’s Batang Quiapo dahil magsisipuntahan ang buong staff and cast sa pangunguna ng lead actor at direktor na si Coco Martin.

Isa si Jaclyn sa main cast ng FPJBQ at the the time of her death, playing the role of Chief Supt./BGEN Dolores Espinas.

Hanggang Sabado mananatili ang labi ni Jaclyn sa Arlington Chapel.

Pumanaw ang multi-awarded actress noong Sabado ng gabi, March 2, 2024, sa kanyang tahanan dahil sa atake sa puso.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with