^

Pang Movies

Jennylyn, mas gusting magkontrabida

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jennylyn, mas gusting magkontrabida
Jennylyn Mercado.
STAR/ File

Inamin ng aktres na si Jennylyn Mercado na mapili na siya sa mga proyektong kanyang tinatanggap ngayong kasal na siya at may mga anak na.

Mula sa pagiging contestant ng StarStruck Season 1 ay nag-evolve na siya sa loob ng 20 taon sa showbiz.

Inamin naman ng misis ng aktor na si Dennis Trillo na hindi naging madali ang kanyang mga karanasan sa personal na buhay.

Pero ito raw ang naging inspirasyon niya sa bawal role na kanyang gina­gampanan. Sa bawat sakit daw na pinagdadaanan daw sa buhay at nakakatulong ito para maging epektibo siyang aktres.

Dito ay inamin niya na wala na siyang ginagawa o gagawing sexy roles at mga love scene lalo na ngayong pamilyado na siya at nadagdagan pa ang anak niya.

Meron na raw boundaries at limit kung ano ang kaya niyang gawin. Vocal naman daw siya sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay dahil ayaw raw niyang mapanood ng mga anak ni sina Jazz at Dylan ang mga ito sa future.

Nang tanungin naman siya kung anong role ang gusto niyang gawin ay nag-e-enjoy raw talaga siya sa pagiging kontrabida.

Isang beses pa lamang daw niya itong nasubukan kaya gusto niya ulit itong gawin. At gusto niya raw na siya na ang mang-aapi at mananampal sa susunod at pakiramdam niya ay mag-e-enjoy raw talaga siyang gawin iyon.

vuukle comment

STARSTRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with