^

Pang Movies

Chiz at Heart, may wedding reception ngayon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Chiz at Heart, may wedding reception ngayon
Chiz at Heart

Embargo ang photos sa church wedding nina Luis Manzano and Jessy Mendiola.

Walang lumabas sa social media, iilan-ilan lang.

Kaya tiyak na mapapanood ito nang buo sa kanilang vlog.

Pero ito nga raw ang dream wedding ni Jessy na ginanap sa isang resort sa Coron, Palawan.

Kasabay nito ang renewal of vows nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista na trending agad dahil ang ganda talaga ni Heart.

Anyway, andun daw ang parents ni Jessy na hindi nakadalo noong 2021 sa civil wedding nila.

Ganundin ang pamilya ni Luis – Edu Manzano at Vilma Santos-Recto at ang stepfather ng TV host na si Ralph Recto.

Ang anak nilang sina Luis and Jessy na si Rosie ang “little bride.”

Anyway, ngayong araw naman magaganap ang Manila reception nina Chiz and Heart na 300 ang invited guests.

Kasama rito ang mga kasama niya sa senate at marami rin daw friends si Heart.

Kitty, maraming pinaretoke!

Nagtatanong na ang ibang netizens, ba’t daw pina-play up si Kitty Duterte, youngest daughter ni former President Rody Duterte.

Ginawa ngang news item sa social media ang Valentine date nila ng boyfriend na DLSU basketball player Evan Nelle.

Bakit daw kailangang gawan sila ng issue kung mag-on sila.

Sabagay internet celebrity naman siya na Veronica “Kitty” Duterte sa totoong buhay.

Mommy niya siya Honeylet Avanceña at 19 years old siya.

Just recently ay sumailalim siya sa cosmetic enhancements na pinakita niya sa kanyang Facebook account.

Pinagawa niya ang lips - lip fillers at ilong - rhinoplasty.

At masaya raw siya sa bagong ilong.

Nagpapatanggal din daw ito ng taba sa braso - Barbie Arms.

Sabagay ngayon parang lahat na lang issue na sa social media.

Eric, magiging bagong German Moreno

Hindi masyadong umaasa si Eric Quizon na makakatanggap pa ng national artist award ang daddy niyang si Dolphy.

 May nag-nominate ba ulit ngayon kay Dolphy for National Artist?

“’Yun ang hindi ko alam. Wala akong balita doon. But usually talaga there are people who really rally for my dad. Meron talaga. Parang whenever they open up, every time na may nomination, he always gets nominated,” pahayag ni direk Eric.

Pero tanggap na raw nila kung bibigyan o hindi ng nasabing karangalan ang kanyang daddy.

“Kami naman, kung ibibigay, then ok, kung hindi, ok lang din. Basta sa akin, my dad’s biggest contribution is that he made a lot of people happy. Kaya kaming mga anak, ang gusto lang namin talaga is continue his legacy.

“So actually, maraming mga pending project, even like mga pagkain and mga franchisees, they want to tie up with us and use dad’s name. May gumamit na, ‘yung whiskey, merong gumagamit din. Ang up to now, nagbebenta pa rin sila kaya inaasikaso na namin ‘yung mga papeles namin kasi anytime ire-raid na namin sila. Kasi, up to now, they are still selling whiskey with my dad’s face on it,” sabi pa niya sa amin nang maka-lunch namin ang talent management head ng Net 25.

So siya na ba ang bagong Kuya Germs (German Moreno) na nagdi-discover ng mga bagong talent?

“Mahirap pantayan si Kuya Germs. Kumabaga haligi ‘yan.

“Pangalawa hindi naman ako kasali sa gagawin niyang show. I want the kids to shine on their on,” sabi ni Direk Eric na talagang puspusan ang ginagawang training sa mga member ng Starkada na more than 30.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with