^

Pang Movies

Barbie at Jak, ‘di naapektuhan sa sexy star!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng magkarelasyong Barbie Forteza at Jak Roberto na puro kilig vibes lang.

Nagselebreyt sila ng kanilang monthsary at nagpalitan sila ng sweet messages sa social media.

Binati ng Pulang Araw actress ang boyfriend sa pagpo-post ng litrato nito habang ipinost naman ng kapatid ni Sanya Lopez ang litrato nilang magkarelasyon.

Makikitang hindi nagpaapekto ang JakBie sa naging intriga sa aktor kama­kailan kung saan ikinuwento ng isang sexy star na si Ava Mendez kung paano naging touchy si Jak nang ito’y malasing sa isang party.

Mother Lily, nakiselebreyt sa fiesta ng Sto. Niño

Fiesta ng Sto. Niño today kaya ang daming lugar ang may fiesta.

Nakakatuwa naman na masaya sa maraming lugar at parang limot na ng lahat ang nakaraan na pandemic.

Kaya naman hindi kataka-taka na meron nang malalaking party tulad ng binigay ni Mother Lily Monteverde para sa anak na si Meme at asawang si Stephen ng wedding anniversary ng dalawa.

Masaya ako na hanggang ngayon parang ang healthy-healthy pa ni Mother Lily Monteverde na talagang pillar ng showbiz.

Miss na miss ng lahat ang pagiging very busy ng Regal noon na kasabay ng Viva ay talagang pinanggalingan ng malalaki nating stars.

Ay naku, we really miss those happy days, bongga.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with