^

Pang Movies

Aktres, noon pa iniisnab-isnab ng pamilya ng ex

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ngayon daw naiisip ng isang aktres na totoo ang mga sinasabi ng friends niya na hindi siya feel ng family ng ex-boyfriend niya kung hindi pa sila nag-break ng actor boyfriend nito. Kahit daw ipinakilala na si aktres ng boyfriend niya sa pamilya nito, parang stranger pa rin ang turing sa kanya ng pamilya.

Madalas dine-deadma ang aktres ng pamilya ng ex at pinalampas niya ‘yun dahil mahal niya ang boyfriend at sinasabi naman ng boyfriend na wala siyang dapat alahahanin dahil okay siya sa parents nito.

Kaya lang, nang minsang dalhin ng boyfriend ang aktres sa bahay nila para sana maka-bonding ang kanyang pamilya, hindi naging maganda ang experience ng aktres. Kumain daw ang pamilya ng boyfriend na hindi man lang siya niyaya kahit plastic na pagyayaya man lang.

Nalaman na lang ng aktres na kumakain ang pamilya ng aktor dahil narinig ang ingay ng pinggan at kutsara at kuwentuhan ng pamilya. Hindi na rin niya tinanong ang boyfriend kung bakit hindi man lang siya inanyayahang kumain at umalis sila sa bahay ng boyfriend na hindi nakakain.

May mga iba pang ginawa ang pamilya ng ex sa aktres, gaya nang pagte-text sa kanya ng negative messages. Ngayon lang ito nakuwento ng aktres sa kanyang manager at mga taong humahawak sa kanyang career.

Nagbanta ang manager ng aktres na kapag nakipagbalikan siya sa ex, lalayasan nila ang aktres.

Anne at Kathryn, paramihan ng followers sa IG

Ayaw pakabog ng fans ni Anne Curtis dahil nang mabalita yata na naabutan ni Kathryn Bernardo ang numbers ng followers nito sa Instagram at pareho na silang may 20 million followers, agad silang kumilos.

Kaya isang araw lang yata pumantay ang followers ni Kathryn kay Anne dahil kinabukasan, ang 20 million followers ni Anne ay naging 20.1 million.

May fans nga si Anne na nababahala na baka maunahan na ni Kathryn si Anne sa rami ng followers at ang takot nito, baka raw mawala si Anne na malabong mangyari. Nag-react nga ang fans ni Anne, bakit daw mawawala si Anne with 20.1 million followers.

Sharon-gabby teleserye, mina-manifest ng mga loyalista

Sa December 18, daw ang airing ng guesting ni Sharon Cuneta sa Fast Talk with Boy Abunda para mag-promote ng 2023 MMFF entry ng Cineko Productions na Family of Two nila ni Alden Richards.

May mga nag-aabang sa guesting ni Sharon dahil baka raw magtanong si Boy Abunda ng questions tungkol kay Gabby Concepcion at sa mga isinagot ni Sharon. Nakakaloka ang fans lalo na ‘yung tuloy pa rin ang pagsi-ship kina Sharon at Gabby kahit alam na parehong may asawa na ang dalawa.

May nag-comment pa nga na blooming si Sharon, mukhang in-love at iba raw talaga ‘pag may Vitamin G ito na ang ibig sabihin ng G ay Gabby. Isa pang comment, sana raw mag-collab ang ABS-CBN at GMA-7 for a teleserye with Sharon and Gabby.

Anyway, pangungunahan nina Sharon at Ogie Alcasid ang The Grand Countdown to 2024 ng Marriot Hotel sa December 31. Si Billy Crawford ang host at kabilang sa performers sina Katrina Velarde, Arthur Nery, at Jona.

vuukle comment

FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with