^

Pang Movies

Isabelle, naibigay na ang P1M sa kasambahay na inabuso!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Isabelle, naibigay na ang P1M sa kasambahay na inabuso!
Isabelle Daza at Nanay Elvie Vergara

Nagkita na pala sina Isabelle Daza at ang helper na inabuso ng employer na si Nanay Elvie Vergara.

Natulungan ng anak ni Gloria Diaz si Nanay Elvie na makalikom ng tulong pampinansyal.

Umabot pala sa P1,000,000 ang nalikom niya at inabot niya ito nang personal nang magkita sila ng helper na nabulag dahil sa pang-aabuso ng amo. “Finally was able to give the money to Elvie Vergara herself. A total of ?1,000,000 in a Manager’s check…” caption ni Isabelle sa kanyang post.

Pinasalamatan ni Isabelle ang lahat ng nagbigay ng tulong at nagtiwalang hindi niya bibiktimahin ng scam ang mga ito.

Bahagi nga ni Isabelle ay ang iba pa ay nag-donate ng maliit na halaga pero malaking tulong ito para maipon ang P1 million para sa medical needs nito, “Gusto ko lang sana ibigay sa inyo personally kasi ‘yung mga followers ko po at nag-donate, pinagkatiwalaan po ako sa perang ito at sinabi ko po sa kanila na ibibigay ko po ‘yan sa ‘yo.”

Marami naman ang natuwa at na-inspire sa ginawa ni Isabelle at sana ay mas marami pa ang gumaya sa kanya.

Bonggang-bongga.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with