Michelle, bongga ang ginawa sa Miss U

Michelle Dee

Bongga ngayon Miss Universe ha. First time may sumali na may anak, at isang chubby. Hah hah. Saka napansin ko very Latina ang da­ting ng halos lahat nang sumali.

Buti nga si Michelle Dee maikli ang buhok kaya mas napapansin mo pa.

Kahit na sa Top 10 lang nakuha si Michelle very proud na ako dahil talaga naman very outstanding ang beauty ng mga candidate.

At least ang educational attainment ni Michelle hindi patatalo sa mga candidate na may mga master pa at doctorate.

Talagang panlaban na rin ngayon kung ano ang educational background mo.

Iyon nasa top ten siya, malaking bagay na noh! Basta gusto ko ngayon ang resulta, iyon Top 3 talagang bongga pati mga advocacy nila very outstan­ding. Beauty and brains talaga lahat nung sumali.

Saka maganda rin iyon pagsali ng isang single mother at chubby candidates.

Kaya tanggapin na natin na hindi talaga nanalo si Michelle.

Show comments