^

Pang Movies

Jane, tanggap ang malisya sa relasyon nila ni Janella   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jane, tanggap ang malisya sa relasyon nila ni Janella              
Jane

Okay lang kay Jane de Leon na naiintriga ang friendship nila ni Janella Salvador at nabibigyan pa nga ng malisya ng ibang tao. If anything, natutuwa nga raw siya sa matinding suportang ibinibigay ng mga tao sa pagkakaibigan nila.

“Grabe ‘yung suporta talaga ng mga fans namin, it’s crazy,” natatawa niyang sey nang makatsikahan namin kahapon sa mediacon ng ‘Shake, Rattle & Roll Extreme.

Kaya naman sobrang thankful daw sila ni Janella sa fans ng kanilang ‘loveteam.’

 “Sobrang mahal na mahal namin ‘yung mga ‘yun. Kaligayahan namin kasi ‘yung fans kasi namin ni Jea (Janella), sobrang natural like nakikipagbardagulan kami, ‘yung interactions namin with them, siguro kaya minahal kami sa ganu’n,” sey ni Jane na bida sa episode na ‘Rage’ ng SRR.

Pero okay lang ba sa kanya na nilalagyan na ng malisya ng ibang tao ang kanilang friendship?

 “Yeah, that’s okay kasi it’s all about ano naman, eh, parang pina-fantasize kami. Na magkaroon ng fantasy sa world nila, it’s okay. We support them naman.

 “Kasi kami naman din, if my idol ako outside Philippines or Philippines, ‘yun ‘yung normal na nai-imagine ko if may gusto akong mag-pair or mag-loveteam, why not, ‘di ba? So, ibinibigay namin ‘yun. ‘Yun ‘yung kaligayahan nila, eh,” sagot ni Jane.

At kung sakali raw na magkaroon ng offers sa kanilang dalawa na girl’s love ang tema, open naman daw sila about it.

Nang tanungin namin kung kumusta ang puso niya, aniya ay happy siya.

“Happy ako, I’m dating someone actually,” pag-amin ng dalaga.

Non-showbiz daw ang guy pero hindi na siya nagbigay ng detalye.

 “At sinusuportahan ako ni Jea do’n at sinusuportahan ko rin siya do’n,” sey pa ni Jane.

Naging magkaibigan sina Jane and Janella simula nang gawin nila ang TV series na “Darna.”

Samantala, muling nagbabalik ang horror franchise na kinasanayan nating panoorin tuwing sumasapit ang Kapaskuhan, and this ay “Shake, Rattle & Roll Extreme” na ang bagong title nito.

Aside from Jane, kasama rin sa trilogy movie (Rage, Glitch and Mukbang episodes) sina Iza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, Paul Salas, Paulo Gumabao, Donna Cariaga, Rob Gomez, Migs Cuaderno at marami pang iba. Mula sa direksyon nina Richard Somes, Joey de Guzman and Jerrold Tarog.

Mukhang marami ang naka-miss ng SRR dahil sa ngayon ay nasa 10 million views na ang teaser and trailer ng pelikula across social media platforms.

Showing na sa mga sinehan nationwide ngayong November 29 ang “Shake, Rattle & Roll Extreme.”

Sharon, grabe ang pagluluksa

Nagdadalamhati ang pamilya ni Sharon Cuneta ngayon dahil sa pagpanaw ng kanilang matagal nang alagang aso na si Bea.

“All our hearts at home are so heavy…our oldest dog, Bea, a gift to Kakie from her late Ninong Mitch when she was only 7 yrs old, crossed the rainbow bridge yesterday morning at her vet’s who did everything he could to prolong her life a little bit more…

“I really have no words and we’ve all been crying since yesterday so I will let Miel’s post express how we are all feeling…kindly pray especially for Kakie who is so far away and just lost her first best friend, please…Thank you so much. We will love you forever, our baby Bea…Run free now….” ang post ni Shawie.

Dumagsa naman ang pakikiramay sa kanila sa comment section kabilang na ang ilang celebrities

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with