^

Pang Movies

Puwet ni Herlene, nagkapasa sa pakikipagbardagulan  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Puwet ni Herlene, nagkapasa sa pakikipagbardagulan           
Herlene

Nagkaroon ng maraming pasa sa katawan si Herlene Budol dahil sa mga bardagulan na eksena sa pinagbibidahan niyang GMA teleserye na Magandang Dilag.

Hanggang sa puwet daw niya ay may pasa dahil nakakalimutan daw niyang mag-ingat kapag kinukunan ang catfight scene kasama sina Maxine Medina, Bianca Manalo at Angela Alarcon.

“Kaya ang dami ko pong mga pasa at sugat, kasalanan ko din kasi hindi ako nag-iingat kahit pinagsabihan ako na safety first. Ako kasi gusto ko todo bigay sa mga ganung eksena at sanay ako makipagbardagulan noong bata ako. Kaya hanggang puwet nagkapasa ako!” tawa pa niya.

Pinakamahirap daw ‘yung fight scene niya kay Adrian Alandy. Sobrang napagod daw sila sa fight scene nila a la Mr. And Mrs. Smith.

“Grabe po ‘yung away namin ni Adrian. Talagang nakatikim ako ng suntok, sampal, sakal at tadyag. Kapag napanood n’yo ‘yung pambubugbog sa akin ni Adrian, mala-action film!” tawa pa niya ulit.

Lagi naman daw nagsu-sorry si Adrian kay Herlene kapag alam niyang napalakas ang isang sampal niya rito.

“Herlene is a very passionate actor. ‘Yung intensity niya sa fight scene ang taas kaya may pagkakataon na hindi maiwasan na masaktan siya. But I make sure na okey siya kapag nag-cut na si Direk Don.”

Juliever, lumabas ang pagiging maka-diyos

Sinuportahan ng mahuhusay na artista ang first movie ng JulieVer loveteam nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na The Cheating Game.

Kasama sa cast sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Thea Tolentino, Phi Palmos, Chef Jose Sarasola at Paolo Contis. Tampok din sina Charlize Ruth Reyes, Roce Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Charm Aranton, Ida Sabido, Evan Tan at Roi Oriondo.

Gumaganap bilang sina Hope at Miguel na parehong niloko ng kanilang mga karelasyon at ang pag-share nila ng kanilang feelings sa modern dating sa pelikula.

Mas nakilala nga raw nila ang isa’t isa habang sinu-shoot ang movie. Nadiskubre nila na pareho silang maka-Diyos at nagbibigay halaga sa kanilang pamilya.

Produced ang The Cheating Game ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na mapapanood na sa big screen on July 26.

Spider-Man star Tom Holland, napagod sa serye

Pahinga raw muna sa paggawa ng pelikula ang Spider-Man star na si Tom Holland ng isang taon.

Napagod daw siya physically and mentally sa paggawa ng Apple+ series na The Crowded Room na tungkol sa trauma at mental health.

Tama lang daw ang paghingi ng one-year off sa trabaho para makapag-recharge at hindi siya ma-burn out sa mga susunod na mga gagawin niyang projects.

“I really enjoyed it, but then again, the show did break me. There did come a time where I was sort of like, ‘I need to have a break.’ I went to Mexico for a week and had some time on a beach. And I’m now taking a year off, and that is a result of how difficult this show was.

“I’ve been seeing my family in London. I’ve been seeing my friends. I’ve been playing golf. I’ve been, you know, going to the garden center and buying plants and doing my best to keep them alive and all that sort of stuff,” sey ng Marvel actor.

vuukle comment

HERLENE BUDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with