^

Pang Movies

Totohanin kaya? Isko Moreno, sumumpang ‘di kakandidato sa midterm elections!

Salve V. Asis - Pang-masa
Totohanin kaya? Isko Moreno, sumumpang �di kakandidato sa midterm elections!
Buboy at Isko

MANILA, Philippines —Nagtatanungan ngayon kung totohanin ni former mayor Isko Moreno ang pangako sa Eat Bulaga hindi siya kakandidato sa 2025.

Ito diumano kasi ang sinabi niya sa management ng TAPE Inc. kaya siya naging regular host sa bagong version ng noontime sa Channel 7.

May mga lumulutang na agad na mga pangalan na magiging senador sa 2025.

Kasama na rito ang pangalan ng dating mayor ng Maynila sa isinagawang Pollster Social Weather Stations (SWS) survey sa mga ibobotong senador na isinagawa two years bago ang gaga­naping 2025 midterm elections.

Ngayon daw kasi ay kasama sa mga ipinamimigay ng dating pulitiko at aktor sa nasabing programa ay galing mismo sa sarili niyang bulsa.

Nag-trending recently ang pasasalamat ng isang jeepney driver kina Tito, Vic and Joey nang makatanggap siya ng datung kay Isko sa G sa Gedli segment EB kung saan kasama nito si Buboy Villar na namimigay sa mga masusuwerteng individual na isa nga sa napili ay ang nasabing jeepney driver na na-excite at  nagpasalamat “Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga lalo na kina Tito, Vic and Joey.”

Ellen, may pinagplanuhang ipapatay sa kulam!

Umamin si Ellen Adarna na sinubukan niya ang kulam.

Isang nanakit daw sa kanya.

“Naka-try ka na bang ikaw mismo yung nagpakulam?” sabi ng isang nagtanong na follower sa Q&A sa kanyang Instagram stories na burado na ngayon.

“Oo dai pero not spell to fall in love, spell na mamamatay talaga siya. I was that close,” kumpisal ng misis ni Derek Ramsay.

Gayunpaman, nang tanungin daw siya ng lalaking gumagawa ng spell kung pwede ba siyang mabuhay na kaya ng konsensya niya ang gagawing pagpapakulam at pagpapapatay, napagpasyahan niya na huwag na itong gawin.

Kilalang prangka si Ellen.

Hindi pa-cute sa mga sagot kaya maraming netizens ang naaaliw sa kanya.

Anak ni Jhong Hilario, mahusay magmemorya

May pinagmahan naman pala ang anak ni Jhong Hilario na si Sari.

Ang bright ng bata base sa mga video post ni Jhong. Ang husay mag-memorize.

At obviously nagmana ito sa amang councilor ng Makati at host ng It’s Showtime.

Nag-flex si Jhong na Magna Cum Laude siyang nagtapos ng AB Politcial Science sa Arellano University.

Forty six years old si Jhong na grumadwayt na Virgilio “Jhong” V. Hilario Jr. ang totoong pangalan.

Mensahe niya sa mga nangangarap makatapos kahit pamilyado  na “Sa lahat ng gustong magtapos ng pag-aaral, kahit late na, ‘no, na katulad ko, meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan, ‘no, para gawin ito kahit sobrang busy tayo. Time management lang. For me napakaik­si ng buhay para walang gawin, eh,” sa interview ng TV Patrol.

Kaya naman inulan siya ng congratulatory messages.

Joong-KI, ipinakita ang panganay sa british actress

Nanganak na ang misis ng Korean superstar Song Joong-ki, ang British actress na si Katy Louise Saunders.

Sa isang post nga sa Facebook account ng Korean actor ay naka-upload ang kamay ng isang baby, isang black and white photo.

Baby boy ito na ipinanganak sa Rome, Italy.

Sa isa pang kumalat na post ng Korean actor sa kanyang fan cafe ay nakalagay na “Today, I came to greet you because I wanted to tell you one more dream-like news first.

“I am in Italy now. We welcomed our baby here in Rome, my wife’s hometown. He’s a healthy son. The baby and the mother are in good health. I am taking care of my family very happily with a grateful heart.

“I think that it is the most precious gift that came to us, a couple whose biggest dream is creating a happy family for the rest of their lives. And I think this good day has come thanks to the support from many people. Thank you,” bahagi na post ng actor na dumalo kamakailan sa ginanap na Cannes Film Festival kaya maraming Pinoy artist ang nakapagpa-picture sa kanya.

Janine at Zanjoe, kasal na

Napanganga ang netizens sa pictorial ni Janine Gutierrez sa isang magazine, L’Officiel Philippines. Pang-Hollywood daw talaga ang datingan ng aura ng Kapamilya actress na ikinasal kay Zanjoe Marudo sa hit teleserye nilang Dirty Linen. Blonde ang hair ni Janine sa nasabing pictorial.

Yup, isa na ring Fiero si Mila (Janine Gutierrez) pagkatapos niyang magpakasal kay Aidan (Zanjoe Marudo) sa isang simpleng civil wedding sa Dirty Linen, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 Sikretong nagpakasal sina Mila at Aidan dahil hanggang ngayon ay kontra pa rin ang pamilya Fiero sa relasyon ng dalawa, kahit wala pa rin silang kaalam-alam sa planong paghihiganti ni Mila.

 Ngayon na opisyal nang parte ng pamilya si Mila, mas madali na niyang maisasakatuparan ang paghihiganti niya laban sa mga Fiero.

 Noong Mayo, gumawa ng panibagong online record ang Dirty Linen na nakakuha ng 149,410 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Nakapagtala rin ito ng pinagsama-samang higit isang bilyong online views sa lahat ng social media platforms ng ABS-CBN.

Pero sa totoong buhay ay walang sinasabi ang actress tungkol sa kanila ni Paulo Avelino.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with