^

Pang Movies

Isko, kinokonek sa pulitika ang pagho-host

Gorgy Rula - Pang-masa
Isko, kinokonek sa pulitika ang pagho-host
Isko Moreno
STAR / File

Sa pagkakaalam ko, magpapa-presscon sina Tito, Vic and Joey at ang buong Dabarkads para sa bagong show nila sa TV5.

Sa July na nga raw ito magsisimula, at baka nga mismong July 1 ito dahil natama sa araw ng Sabado.

Abangan natin ‘yan, dahil marami na ang humuhulang mapapalakas ng original hosts ng Eat Bulaga ang TV5. Malamang na dito natin mapapanood ang mga nag-hit na segments ng dating Eat Bulaga.

Napag-alaman naming naka-copyright pala kay Jenny Ferre, ang dating Senior Vice President for Creatives and Operations ng TAPE, Inc., ang mga nag-hit na games na segments nila kagaya ng Pinoy Henyo, Bawal Judgmental, at Kalyeserye.

Kaya hindi ito ngayon magagawa ng revamped na Eat Bulaga, dahil isa si Jenny sa mga staff na nag-resign kasama sina Tito, Vic and Joey.

Hindi ko lang alam kung ano ang reaksyon dito ng mga Jalosjos dahil nagtatrabaho sa kanila noon si Jenny, tapos ipinangalan sa kanya ang mga sikat na games at segments na ito.

Pero sabi nga ng ngayong bagong grupo ng Eat Bulaga, ayusin na lang nila kung ano ang meron sa kanila ngayon at pagandahin na lang nila ito.

Marami ang natuwa sa pagpasok ni Isko Moreno bilang regular host nila.

Maganda ang feedback ng segment ni Yorme na G sa Gedli na kung saan ay nasa labas siya at namigay ng kadatungan.

Sabi ng iba, kinopya lang daw sa Juan For All, All For Juan pero ang sabi naman nila, kailangan talaga nilang mag-reach out sa mga tao, kaya sila lumalabas.

Sa unang araw pa lang ni Isko sa Eat Bulaga, puring-puri na ni Paolo Contis si Isko dahil talagang siya araw ang nag-a-adjust para mag-blend sa kanilang grupo.

Baka isipin daw ng iba na gagamitin lang ito ni Yorme para sa pagbalik niya sa eleksyon sa dating na 2025, sinabi raw nito na hindi na siya babalik sa pulitika.

Dingdong, pinagtawanan ang pulitika

Natawa naman si Dingdong Dantes nang tinanong ulit namin sa nakaraang mediacon ng Royal Blood, kung kinu-consider pa rin ba niya ang kaway ng pulitika.

Matagal na raw itong hindi natanong sa kanya. Pero ngayon ay binalikan na naman namin.

Aniya, “Parati ko namang sinasabi na ‘yung public service is really something that I can find inside my heart. Regardles of form. Kung ano man ‘yan, kahit anong paraan ng pagsilbi ay gagawin.

“Ang tanong na lang kung hanggang saan ‘yung commitment. And at this time, sabi ko gagawin ko ito through my work, my job as an actor, by becoming a volunteer from time to time. Kasi sa ngayon ito ‘yung kaya kong i-commit. Pero ‘pag tanong mo ‘yung willingness tumulong, willingness na gumawa ng mabuti para sa kapwa, para sa bayan, of course always ‘yan 100 percent.”

Sinundan namin ng tanong kung sakaling may kumausap sa kanya na isang political party na sumali sa kanila at posibleng tumakbo sa isang mataas na posisyon sa 2025, iku-consider niya kaya ito?

“Depende kung tapos ‘yung Royal Blood,” safe niyang sagot sa amin.

Sa June 19 na magsisimula ang Royal Blood, pagkatapos ng Voltes V.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with