^

Pang Movies

Kiray, pinayagang pakasal ng nanay dahil sa regalong P1 million!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kiray, pinayagang pakasal ng nanay dahil sa regalong P1 million!
Stephan at Kiray
STAR / File

Inilahad ni Kiray Celis na ang nobyo niyang si Stephan Estopia ang kanyang “the one.” Kaya hinihintay na lang ng pamilya ni Kiray kung kelan magpapakasal ang dalawa.

“Kinukulit na ako ng mama ko. Bago ko bigyan ng P1 million ang mama ko, ‘Bawal kayong maglabas ah, kayong dalawa. Bawal.’ Noong nabigyan ko ng P1 milyon sabi niya, ‘Kelan kayo magpapakasal?’” tawa pa ni Kiray.

Pagbalik-tanaw ni Kiray, katulad niya, nanggaling din si Stephan sa isang relasyon na niloko. Naging bestfriend si Stephan ng kanyang kapatid ng 10 taon, at labas-pasok lang noon sa kanilang bahay.

Kuwento ni Kiray, hindi sila nag-uusap noong una ni Stephan.

“Noong nabanggit ko sa kapatid ko, sabi niya ‘Mabuting tao ‘yan ha, huwag mong sasaktan.’ Tapos ako, ‘Ha, hindi. Wala namang ‘meron’ sa amin.’ ‘Yun agad ang sinabi ng kapatid ko. Hindi magsasabi ‘yung kapatid ko ng ganoong statement kung hindi siya ganoon kabuti. Napatunayan ko na totoo talaga. Noong na-meet siya ng parents ko, ang gaang sa pakiramdam.”

Nauna nang inilahad ni Kiray na nanumbalik ang dating siya nang makilala na niya si Stephan, na naging daan para maka-move on siya mula sa maling tao.

Jayda, nilinaw ang pagiging stage parents nina Dingdong at Jessa

Grateful si Jayda Avanzado para sa suporta ng kanyang parents na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa kanyang acting career.

“I would say, especially in terms of my career po, I would say na I’m very thankful na napaka-supportive ng mga magulang ko po. They give me the freedom to make my own decisions when it comes to my career,” sey ni Jayda.

Ayon pa kay Jayda, hindi naman daw naging “stage parents” sina Dingdong at Jessa.
“Assumption po ng maraming tao na baka stage parents po sila but sobrang malayo po sa assumption na ‘yun.

“Nandun lang po talaga sila para gabayan ako pero at the end of the day, they tell me that it’s your career and at the end of the day, ikaw naman talaga ‘yung haharap sa tao and you’re doing this, you chose this, what you do for your career, and at the end of the day, they just really wanna support me.

“They’re really cool po, really understanding kasi dahil nga po kasama rin po sila sa industriyang ito, sobrang mas maintindihin po sila sa mga showbiz things.”

Napapanood si Jayda sa Teen Clash na based sa Wattpad novel ni Ilyn Anne Danganan.

Co-stars dito ni Jayda sina Aljon Mendoza and Markus Paterson.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with