^

Pang Movies

Anne, ‘di nagpakabog kay dakota Johnson at super chika sa Korean singer!

Dianne Canlas - Pang-masa
Anne, �di nagpakabog kay dakota Johnson at super chika sa Korean singer!
Anne Curtis at Dakota Johnson

MANILA, Philippines — Nag-trending kahapon si Anne Curtis kung saan kasama niya sa mga litrato sina Hanni ng K-pop girl group New Jeans at Hollywood actress na si Dakota Johnson.

Hindi nga raw nagpatalo ang Pilipinas at lumaban daw ang ganda nito sa mga kasama kung saan agaw-eksena at lutang ang pagiging classy nito sa suot na all-red coat dress.

Ibinahagi niya ang litrato nila sa social media kung saan naimbitahan siya sa Gucci Resort 2024 collection show sa Seoul, South Korea, noong Tuesday, May 16. Makikita sa photos na ipinost ng It’s Showtime host na ginanap ang nasabing event sa Seoul’s historic Gyeongbokgung Palace.

May kumalat din na photo kung saan nakitang magkausap sina Anne at South Korean singer-songwriter na si IU. Kaya naman nasabik ang fans at hindi naman sila binigo nito dahil nag-post ito ng litrato nila.

Halatang-halata raw ang pagpipigil nito ng kilig habang kasama si IU. At ang bongga raw dahil nakunan din sa litrato nila ang famous bodyguard nito. Kaya marami ang napa-“sana all” sa kanya.

Ilan sa mga nakadaupang-palad din ni Anne sa event ay sina Singaporean actress Rebecca Lim at Thai actress-model Davika Hoorne.

Nung nakaraang buwan ay rumampa rin siya sa New York para sa reopening ng Tiffany & Co.’s Manhattan store sa Fifth Avenue kung saan nagkaroon sila ng reunion ni Heart Evangelista at may litrato sila na kasama rin ang mister nito na si Sen. Chiz Escudero at Tatler Philippines editor Anton San Diego.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with