^

Pang Movies

Kasama si Atom...Maine, sasabak na host ng Extra Challenge?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kasama si Atom...Maine, sasabak na host ng Extra Challenge?!
Maine Mendoza

Mukhang matagal pang matatapos ang issue tungkol sa milyong utang ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE, Inc.) kina Vic Sotto at Joey de Leon. Tahimik lamang si Joey, at si Vic naman, ang latest ngang sinabi niya, wala naman siyang balak na magsampa ng demanda laban sa TAPE.  “Wala, hindi ako ganoon,” saad ni Vic. “Kung mababayaran ako, di well, kung hindi naman, eh, ayos lang, kung hindi nila kayang bayaran, okay na lang.  Hindi naman kasi nakukuha ang lahat sa pera. Para sa akin, mas mahalaga ang prinsipyo kesa sa material na bagay.  Saka, nakikikpag-usap naman sila sa akin. Ang gusto lang namin, magpatuloy pa rin ang Eat Bulaga, gusto naming abutin kami rito ng 50 years.” (Nasa ika-44th year na nila ngayon).

Sa kabila nga ng mga usap-usapan, patuloy pa rin si Bossing Vic sa pag-develop ng bagong show, ngayong after more than four years ay nagtapos na ang sitcom nilang Daddy’s Gurl na tampok ang mag-amang sina Barak at Stacy Otogan (Vic at Maine Mendoza), last Saturday, May 6.

Susundan na ito ng bagong sitcom na Open 24/7 na magtatampok naman kina Vic, Maja Salvador at Jose Manalo.

Samantala, matapos magpaalam si Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl, sa finale episode nila last Saturday, May 6, may lumabas agad na issue na magsasama raw sila ni Atom Araullo, sa Extra Challenge (releoaded).

Ayon pa sa post, “Atom Araullo and Maine Mendoza tandem will definitely bring so much fun and excitement on this show. Out of all the suggestions in this thread, this will be the most viable since it is a network original.”

Ang GMA Network ang nagpasimula ng Extra Challenge” ten years ago.

Nagtanong kami sa manager ni Atom, si Noel Ferrer, kung may ganoon silang gagawing project, ang sagot niya: “wala pa namang ganung nababanggit sa amin, pero good po kung totoo!!!”

Baka nagustuhan lamang ng mga fans ni Maine ang #MaineGoals niya sa TV5 at Cignal TV, na malapit na ring matapos ang season 3, na nagpakita ng husay si Maine sa bawat adventures na gawin niya.

At si Atom naman ay wala ring takot gumawa ng mga dangerous episodes ng kanyang mga award-winning Atom Araullo Specials.

Alden at Julia, babalik pa sa Singapore

Bumalik na pala sina Alden Richards at Julia Montes, from their movie shoot ng Five Break-Outs and a Romance mula sa Singapore. Pero hindi pa tapos ang shoot nila at babalik pa rin sila, after ng mga commitment naman nila rito.

Paghahandaan na rin ni Alden ang rehearsals ng coming Miss Universe Philippines na sila ni Xian Lim ang main hosts sa coronation night na magaganap sa SM Mall of Asia Arena on Saturday, May 13, airing live on ABS-CBN Entertainment YouTube Channel and IWantTFC. Mapapanood naman ito on Sunday, May 14, 9:00AM sa GMA-7.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with