^

Pang Movies

Christine, may sapul kina Jeric at Kiko!

Pang-masa
Christine, may sapul kina Jeric at Kiko!
Christine

MANILA, Philippines — Handa ka bang gawin ang lahat para sa sinum­paang tungkulin?

Kahit pa madamay at masaktan pati ang mga taong malalapit sayo?

Ngayong April, isang sexy-action drama na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Jeric Raval at Kiko Estrada ang mapapanood sa Vivamax.

Kwento tungkol sa pagkakaibigan, pamilya, at pagiging tapat sa tungkulin.

Panoorin ang Sapul, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023.

Ordinaryong araw lang sa trabaho ang inaasahan ni P03 Leandro Acuba (Jeric Raval), isang marangal at tapat na pulis na laging sumusunod sa batas. Pero ang akala niyang normal na araw ay magiging magulo at maaksyon pala dahil sa pagpunta at pag­hingi ng tulong ni P01 Isidro Ticzon (Kiko Estrada) sa mga kaibigan sa Police Station, isang pulis na matalik na kaibigan at parang kapatid na ang turing ni P03 Leandro.

Nagkakaroon ng problema si P01 Isidro at ang asawang si Shiela (Christine Bermas) kaya humihingi siya ngayon ng payo kay P03 Leandro at sa kanilang Chief-of-Police. Pero nang biglang mag-amok si P01 Isidro at mang-hostage ng katrabahong babae, kakailanganing gumawa ni P03 Leandro ng desisyon kung magiging tapat ba siya sa tungkulin? O tutulu­ngan ang kaibigan?.

Paano mababago ng insidenteng ito ang relasyon nina P03 Leandro at P01 Isidro?

Wala na bang pag-asang natitira para kay  P01 Isidro? O posible pa siyang makabangon muli sa tulong ni P03 Leandro?

Ang Sapul ay Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Reynold Giba, na gumawa at sumulat na rin ng iba pang Vivamax Originals kagaya ng Bata Pa Si Sabel, Alapaap, Virgin Forest, Bahay Na Pula, at Sisid. Bibida sa Sapul ang Vivamax Star na si Christine Bermas, ang ‘90s action star na si Jeric Raval at ang millennial heartthrob na si Kiko Estrada. Kasama rin sa pelikula sina Phoebe Walker, Ada Hermosa, Simon Ibarra, Chad Solano, Ina Alegre, at Suzette Ranillo.

 Mapapanood na ang Sapul sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023.

vuukle comment

CHRISTINE BERMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with