^

Pang Movies

Sunshine, nagluluksa sa pagpanaw ng tatay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sunshine, nagluluksa sa pagpanaw ng tatay

Nakakalungkot naman ang binalita ni Sunshine Dizon sa kanyang social media accounts. Pumanaw na ang tatay nitong si Isagani Bengzon Dizon.

Kinumpirma ng aktres ang sad news kahapon. Ipinost nito ang throwback photo nilang mag-ama kung saan naka-back hug siya rito. Halata ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Ibinahagi rin niya na talagang masakit sa kanya ang pagkawala ng tatay niya lalo na at Papa’s girl pa siya.

“I love you, Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl,” caption nito sa kanyang post kasama ang kanilang litrato.

Inulan naman siya ng pakikiramay mula sa mga kaibigan sa showbiz gaya nina Angelika dela Cruz, Carla Abellana, Teresa Loyzaga at Jackie Lou Blanco at mga tagahanga.

Kasalukuyang bahagi si Sunshine ng mega serye ng GMA na Mga Lihim ni Urduja na gumaganap bilang Iris Dayanghirang. 

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with