^

Pang Movies

Marian, may pinaghahandaang pasabog!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, may pinaghahandaang pasabog!
Marian

Malaking project pala ang pinaghahandaan ni Marian Rivera ngayong taon!

Ayon ito sa kaibigan at kasama naming host sa Maritess University podcast.

Eh inaayos pa ang schedules sa paggawa ni Yan ng project na ito lalo na’t ibinalita pa ni Rose Garcia na may gagawing bagong series sa GMA ang asawang si Dingdong Dantes bukod sa hosting nito sa Family Feud at Amazing Earth.

Sigurado na ang project na ito ni Yan na tiyak ikatutuwa ng fans niya lalo na ang DongYana­tics dahil muli nilang mapapanood ang idolo na umaarte, huh!

Basta, ngayong taon ito magkakaroon ng katuparan ang dinarasal ng fans ni Marian ayon pa kay Rose!

Katrina, hindi inasahan ang bagong afam

Nakatagpo na ng bagong pag-ibig ang singer na si Katrina Velarde.

Matatandaang namatay ang asawa ni Katrina ilang buwan matapos nilang magpakasal.

Inilabas ng singer ang picture ng taong nagpatibok muli ng kanyang puso. Isang foreigner ito pero hindi niya pinangalanan.

Basta sabi niya sa bahagi ng caption ng picture nilang magkasama, “Hi, captain and my pilot in command.”

Mabilis daw ang pangyayari at kahit hindi siya handa sa pangyayari, pero sabi ni Katrina,“Here you are with me right now.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with