^

Pang Movies

Deniece, wala nang habol kay Vhong?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Deniece, wala nang habol kay Vhong?!           
Deniece

Inilabas na ng Korte Suprema ang isang hatol na nagsasabing wala nang anumang pananagutan si Vhong Navarro sa batas kaugnay ng kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo. Sinabi rin ng Korte Suprema na hindi nagkaroon ng “abuse of discretion” o hindi nagkamali ang DOJ nang i-dismiss ang kasong iyon noong una.

Ang naging ponente ng desisyon ay si Associate Justice Henry Inting, na kinatigan naman ni Associate Justice Alfredo Caguiao, na siya ring chairperson ng third division ng Korte Suprema.

Sinabi sa desisyon na sa tingin nila ay “manifestly inconsistent, highly deficient, unclear and doubtful,” ang naging pahayag ni Deniece tungkol sa mga pangyayari sa tatlong magkakahiwalay niyang testimonya.

Nauna rito ang kaso ay ibinasura na nga ng piskalya ng Makati hanggang sa nabuhay na muli ang kaso dahil sinabi rin ng Korte Suprema na wala sa jurisdiction ng piskalya na mag-dismiss ng kasong kagaya ng rape.

Inutusan din silang muling isampa ang kaso sa korte, na mabilis namang nagpalabas ng order kaya nakulong pa si Vhong sa city jail. Ganoon pa man, nang payagan ng korte na makapagpiyansa si Vhong,  nakita na noon na mahina ang ebidensiya laban sa kanya. Kung matibay ang ebidensiya, non-bailable ang kasong rape.

Sa desisyon ng Korte Suprema, libre na si Vhong pero maaari pa ring magharap ng isang motion for reconsideration ang kampo ni Deniece kung gugustuhin nila.

Mayroon pa rin silang sampung araw para maghain ng motion for reconsideration kung may maihaharap silang mas matibay na ebidensiya.

Studio ng ABS-CBN, dadalhin na lahat sa Bulacan

Sinabi ng ABS-CBN, na bagama’t may planong gibain na nga ang kanilang main building sa Esguerra St. sa Quezon City, wala pa namang final decision sa bagay na iyon. Ginawa nila ang statement matapos na magtanong ang Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa nabalitang redevelopment ng nasabing property.

Ganoon pa man, inamin ni Paul Michael Villanueva, ang chief compliance officer ng ABS-CBN na nagkakaroon ng negosasyon sa real estate firm na pag-aari rin ng mga Lopez, ang Rockwell, para sa redevelopment ng property.

Wala pang pandemya ay pinag-usapan na ang tungkol dito. Sinasabing ang news operations na lang ang maiiwan sa Quezon City at ang production ng mga tv show at iba pang content ay gagawin na sa ipinatatayo nilang studios sa San Jose del Monte.

Natural lang naman na magtanong ang SEC, dahil ang ABS-CBN ay marami ring investors, at ang redevelopment of property ay isang mahalagang usapin.

Marami pa talagang dapat pag-usapan bago nila magawa iyang sinasabing “redevelopment” ng ABS-CBN building.

Bagets actor, natikmanng matronang hustler

May isang bagets na nagkuwentong naka-date niya ang isang aktres na halos lola na lang niya ang edad. Diumano, ang bagets ay nakilala ng matronang aktres sa isang party, at agad na ‘inalok’ ang bagets na sumama sa kanya.

Sumama naman ang bagets at inaming ‘binayaran’ naman siya ng matronang aktres.

Matagal nang may ganyang kuwento, at ang akala namin tumigil na ang matronang iyan dahil totoo naman ang hilig niyang i-date ay mga bagets na mas bata pa sa apo niya.

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with