^

Pang Movies

Heart, nag-ala-kargador sa Paris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, nag-ala-kargador sa Paris
Heart

Binuking ni Heart Evangelista na fake plant ang dala-dala niya habang nasa Paris siya. Pinost kasi nito ang photo niyang may dalang  plant at ang caption ay “Moving in/errands/fashion week.”

May nag-comment ng “That’s a very strong arm” dahil nga malaki ang plant. Ang sagot ni Heart, “It’s a fake plant” at may laughing emoji pa.

Kahit sinabi na ni Heart na fake ang dala niyang plant, marami pa rin ang pumuri sa kanya at sigurado raw na marami ang gagaya at bibili ng same plant na ‘yun.

Ang ibang netizens naman ay naghihintay ng memes dahil marami raw tiyak ang gagawa ng memes sa pagiging “kargador” ni Heart.

Marami naman ang naghihintay ng apartment tour niya sa Paris.

Gusto na ng fans niya na makita ang kanyang apartment, ang mga gamit at anything na nasa loob nito.

Gerald, sa France nag-birthday kasama si Julia

Sa Paris, isinelebrayt ni Gerald Anderson ang kanyang 34th birthday kasama siyempre ang girlfriend na si Julia Barretto. Pinost ni Julia ang ilang photos nila at simple lang ang birthday greetings niya.

Sabi lang nito, “Happy birthday my love. My best friend and partner in life. I thank God for you everyday.”

May mga nag-react sa sinabi ni Julia na “partner in life” niya si Gerald dahil ang dating ay sila na talaga at may forever silang dalawa. Kung ang fans lang ang masusunod, gusto nilang magpakasal na ang dalawa para talagang may forever sila.

David, mahilig kumain

Si Barbie Forteza ang nakapansin na tuwing may mediacon si David Licauco, kasama man siya o hindi lagi itong kumakain. Ginawa uli ito ni David sa zoom presscon para sa Lady and Luke episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Nag-sorry si David, but Barbie finds it cute.

Sa sobrang busy ni David, kahit in transit, kumakain. Sa Zoom interview nga sa kanila, nasa sasakyan siya dahil galing sa Abra.

Isa lang ang guesting nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa nagpa-busy sa kanila, tapos na ang taping nila at sa Sunday, March 12, sisimulan na ang airing ng month-long episode ng series sa direction ni Rico Gutierrez.

Marami pa silang project na gagawin at sabi nga ni Barbie, magiging madalas ang pagkikita nila. Grateful ang dalawa sa unexpected na pagsikat ng tambalan nila dahil ang kasunod nito ay more works at sa kaso ni David, mas nasasanay siyang umarte.

Kay Barbie naman, malaking tulong ang talent fee na tatanggapin sa mga gagawing projects para mas mabilis matapos ang ipinapagawang bahay na regalo niya para sa kanilang pamilya.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with