^

Pang Movies

Ken, inaming mas nag-focus sa negosyo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ken, inaming mas nag-focus sa negosyo
Ken Chan

Inamin ni Ken Chan na dumating din siya sa puntong na-in love siya sa dating ka-loveteam na si Rita Daniela. Dito nga raw niya napatunayan na posible pala talagang mahulog ang loob ng isang artista sa kapareha.

“Actually, kami ni Rita, mayroon kaming pangako sa isa’t isa nu’n. Sabi namin, ‘o, walang mai-in-love sa isa’t isa, ha?’” kwento ni Ken sa Fast Talk with Boy Abunda.

Pero hindi pa rin daw niya naiwasang ma-in love kay Rita at naging mutual naman ang feelings nila.

“Inamin namin sa isa’t isa kung gaano namin kamahal ‘yung isa’t isa. More than friends, more than katrabaho, beyond that. Pero alam namin ‘yung limitasyon namin, eh.

“May sarili siyang mga priorities, ako din, Tito Boy,” ani Ken.

Noong panahon na ‘yun ay nasa stage raw siya na nagsisimula siya sa kanyang mga negosyo at ipinaliwanag niya ‘yun kay Rita.

“And I really wanna focus du’n sa business and sa career ko dito sa industriya natin. So, naintindihan naman niya pero hindi ko naiwasan na saktan siya. Nasaktan ko siya,” pag-amin ni Ken.

Pero ngayon ay okay na raw sila at napatawad na siya ng aktres.

“Actually, after nito (ng interview), magkikita kaming dalawa. Bibisitahin ko siya at saka ‘yung baby niya,” sey niya.

As we all know ay isa nang ina si Rita. Ipinanganak niya ang first baby nila ng non-showbiz boyfriend last December 2022.

Arabella, maraming rebelasyon

Bilang konsehal ng 5th district ng Quezon City, mas maluwag na ang oras ni Alfred Vargas kaysa noong Congressman pa siya kaya naman mas marami na rin siyang oras ngayon na gumawa ng acting projects.

That’s why, sa upcoming series na AraBella ay full-length na ang role niya compared sa huling dalawang serye niya sa GMA 7 na Legal Wives (2021) at Unica Hija (2022) na guest appearance lang siya.

“I’ve got so much time now that I’m a Councilor kasi ang laki ng diperensiya sa schedule na happyng-happy lang talaga ako. Nagpapasalamat ako kay Lord God at sa GMA Kapuso network dahil nagagawa ko ‘yung dalawang bagay na pinakamamahal kong gawin – ‘yung makapaglingkod at saka makaarte,” sey niya sa virtual mediacon ng AraBella.

Nang mabasa pa lang daw niya ang script ng serye ay napa-wow na siya sa ganda ng story.

“Sabi ko, ‘wow, hindi sila nauubusan ng magagandang kwento.’ Every week na tinitingnan ko, grabe, ang daming revelation. Sa dinami-dami ng script na nabasa ko sa buong buhay ko, ‘eto nasosorpresa pa rin ako lalo na as weeks go on,” lahad niya.

Ginagampanan niya ang role ni Ariel at anak-anakan niya ang karakter ni Shayne­ Sava (Ara) na isa sa bida ng serye along with Althea Ablan as Bella.

Puring-puri nga niya ang dalawang itinuturing ngayong Prinsesa sa GMA 7 na sina Shayne at Althea na napakahusay raw pareho at naniniwala siyang malayo ang mararating ng dalawa sa kani-kanilang karera.

Magsisimula na ngayong March 6 ang AraBella, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Wendell Ramos, Camille Prats at maraming pang iba mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with