^

Pang Movies

Zanjoe at Ria, ‘di nagmamadaling pakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Zanjoe at Ria, �di nagmamadaling pakasal
Ria at Zanjoe

Hindi na itinatago sa publiko ng bagong magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang relasyon na nagsimulang mapansin nung isang taon dahil sa sunud-sunod na sightings sa dalawa kasama ang kanilang close friends na sina Joshua Garcia, ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Robi Domingo at fiancée nitong si Maiqui Pineda at iba pa.

Magkakasama ang tropa sa kanilang bakasyon sa El Nido Palawan maging sa kanilang trip sa Tokyo, Japan last November.

Ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez ang unang nagsabi na nasa dating stage pa lamang noon ang kanyang anak at si Zanjoe pero nitong nakaraang Christmas holidays ay nakita ang actor na kasama ang pamilya ng actress maging sa kanilang bakasyon in Taiwan kamakailan lamang.

Kung ang panganay ng mag-asawang Sylvia at Art Atayde na si Arjo Atayde ay engaged na sa kanyang fiancée na si Maine Mendoza, masyado pang maaga para sabihin na si Ria na nga ang ‘the one’ na hinaha­nap ng actor. Ang mahalaga sa dalawa ay pareho silang masaya sa kanilang bagong relasyon na inaasahan nilang magtatagal.

Kung tutuusin ay nasa marrying age na pareho sina Zanjoe (40) at Ria (30) pero ayaw umano nilang madaliin ang lahat lalupa’t bago pa lamang sila.

Zanjoe was in previous relationship with Mariel Rodriguez and Bea Alonzo na parehong nauwi sa hiwalayan.

Samantala, nung nakaraang Martes ng tanghali ay pormal na ipinakilala si Ria bilang pinakabagong mukha at brand ambassador at 2023 Calendar Girl ng White Castle Whisky.

Hindi man niya kasing-seksi ang mga naunang brand ambassador ng White Castle Whisky, body positivity naman ang bitbit at gustong ipakita ng aktres.

Bukod sa pagiging actress at brand ambassador nito, isa rin siya sa prime mo­vers ng Nathan Studio, ang production and film outfit na kanilang itinatag along with her mom and her elder brother na si Quezon City district 1 representative na si Arjo.

Si Sylvia ang nag-initiate na magtatag sila ng kanilang production studio bilang paghahanda sa mga proyekto na sila rin mismo ang producer.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with