^

Pang Movies

Kira, pinapademanda ang ex ni Kelvin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kira, pinapademanda ang ex ni Kelvin!
Kira at Kelvin

Sulsol din ang ibang netizens na sinusulsulan si Kira Balinger na mag-file ng cyber libel case laban kay Roselle Vytiaco dahil sa pagpo-post ni Roselle ng private convo nina Kira at Kelvin Miranda. Nasira raw si Kira dahil sa paglabas ng screenshots ng convo nina Kira at Kelvin.

Labag daw sa batas ang ginawa ni Roselle kaya mag­handa na raw ito ng lawyer kapag naisipan o may nakapag-advise kay Kira to file cyber libel case. Kung hindi man kasuhan, man­ghingi raw si Kira ng public apology kay Roselle sa ginawa nito na naba-bash siya at kung anu-anong masasamang adjectives ang ginagamit to describe her.

May nag-comment pa nga na sana, hindi na lang nito nilabas ang screenshots ng private convo nina Kelvin at Kira. Wala rin naman daw saysay dahil hiniwalayan na siya.

In fact, kahit daw si Kelvin, puwedeng mag-file ng cyber libel case kay Roselle dahil sa ginawa nito, grabe ang bashing sa actor. Masasakit na salita rin ang ipinupukol nila sa Kapuso actor at may isang masyadong OA ang comment, hindi naman involved sa isyu at hindi rin naman relative ni Kelvin, tama bang i-wish nito ang demise nina Kelvin at Kira? Ang OA lang!

Kyline at Darren, parte na ng pamilya nina Zoren at Carmina

Ang cute lang na nag-triple date sina Zoren Legas­pi at Carmina Villarroel, mga anak na si Mavy Legaspi ka-date si Kyline Alcantara at si Cassy Legaspi na kasama naman si Darren Espanto. Birthday celebration ‘yun nina Mavy at Cassy at siyem­pre, mga espesyal na tao ang kanilang isasama.

Ang ibig daw sabihin ng triple date na ‘yun, official nang couple sina Cassy at Darren na ikinatuwa ng shippers ng dalawa. ‘Katuwa nga ang comment ng fan nila na “Natulog lang ako ng maaga pag gising ko part of the family ka na Darren.”

Parehong walang magiging problema sina Kyline at Darren sa pamilya ng kani-kanilang jowa dahil tanggap nina Zoren at Carmina at welcome sa kanilang pamilya.

Sofia at Daniel, nagkaayos

Kinaaliwan ang video ni Zoe, anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda na kumakanta ng “Gusto Ko Nang Bumitaw” lalo’t hindi malinaw na masabi ng bagets ang kanyang kinakanta. Sinundan ‘yun ng ngiti.

Kabaligtaran naman ang naramdaman ng netizens sa pinost na video ni Elisse Joson na kinantahan siya ng “Happy Birthday” ng anak na si Felize habang nasa kama pa sila. Sabi ni Elisse, “Best gift from my angel and family.”

Kahit marami ang nag-greet kay Elisse, marami pa rin ang naiyak sa mag-ina na silang dalawa lang sa birthday ni Elisse. Ang maganda lang daw, kahit bagong gising, maganda pa rin si Elisse.

vuukle comment

KIRA BALINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with