^

Pang Movies

Carlo at Charlie, lantad na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

So totoo nga bang mag-jowa na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon o para lang sa promo ng kanilang first movie together na Love On A Budget?

Ito ang tanungan kahapon matapos kumalat ang holding hands photo nila na posted ng Facebook account ng isang restaurant sa La Union.

Ito kaya ang sinagot ng ex ni Carlo na si Trina Candaza?

Nag-post si Trina bago nag-New Year na walang banggit sa pangalan ng actor pero sinabi nitong nawala sa kanilang mag-ina ang isang tao na akala niya ay ang taong palaging mag-iingat sa kanila, isang taong poprotekta.

Technically ay single si Carlo dahil ‘di naman sila kasal ni Trina. Lalo naman si Charlie.

JM, palaban sa 2023!

May letter to myself si JM de Guzman sa bagong taon.

In a nutshell, ang message ay tuloy ang laban.

Aniya :

“dear JM

“im proud of you. mahirap man tinahak natin nakatayo kapadin. di nga lang laging tama ang mga desisyon pero alam ko natututo tayo sa mga pagkakamali. Sana maabot natin lahat ng hangad natin. hindi madali alam ko. ilang taon ka na rehab. ilang taon kadin umangat. may mga nasaktan ka, at sana mapatawad kanila dahil alam kong hindi mo intensyon. hirap ka man lagi ako nandito para sayo. hindi kita susukuan. dati ang dilim ng tingin mo sa buhay, nagmahal ka , sumugal at nasaktan. ginampt mo sarili mo sa paraan na akala mo tama sa sugat na hatid ng buhay. pero lumalaban kapadin. masaya. tuloy tuloy lang tol. mahal kita

- kuya JM.”

Isa si JM sa mga aktor na hindi itinatago sa fans ang mga lubak na kanyang dinaraanan sa showbiz pero nanatiling andyan.

Speaking of JM, ano kayang nangyari sa pagli-link sa kanila ni Donnalyn Bartolome na controversial na naman kahapon dahil sa post na : “Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! ”

Ang point, eh ano naman kung ‘yun ang opinion niya, pakialam naman ng followers niya.

Hahahaha.

Kino-kontra kasi siya, wala raw konsiderasyon sa ibang tao.

McCoy, pinagbibintangang nag-downgrade mula sa Chanel, napunta sa ukay?!

Social medial influencer pala ang sinasabing third party diumano kina McCoy de Leon ang Elisse Joson.

Sinasabing si Mary Joy Santiago (na sa true lang ay hindi pa gaanong familiar) matapos kumalat ang photo nila na nakapatong ang ulo nito sa shoulder ni McCoy na malay mo naman kung nag-selfie lang sila.

Comment ng iba nag-downgrade si McCoy dahil hindi man daw ito nangalahati sa ganda ni Elisse.

Panlalait pa ng iba, from Chanel to ukay. Hahahaha.

Or from Chanel to theft store.

Kakatawa talaga ang mga comment sa Tiktok.

Meron pang nasa palasyo na raw si McCoy, lumipat sa apartment.

Maingay nga na diumanoy hiwalay na rin sina McCoy at Elisse.

At mas lalo pa itong pinag-usapan kahapon dahil sa post ni McCoy na nanghihingi ng pasensya sa kanilang anak:

“Lagi mong tatandaan na mahal kita

“IKAW lang ang nakaka alam

“IKAW lang ang makakaintindi sa akin

“IKAW lang ang maasahan ko

“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay

“IKAW lang ang lahat lahat ko

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo ?? Dont worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy...Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na...anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra...*hug na mahigpit.*”

Bukod pa sa matagal-tagal na ring hindi pagpo-post nang magkasama sa kanilang social media account sina McCoy and Elisse, nakadagdag din ang kanilang cryptic posts.

Noong Halloween pa ang huling photo na kumpleto ang pamilya nila.

Samantala, ang feeling ng ibang netizens parang pareho ang pinagdaraanan ng Elisse and Sofia Andres na BBF sa totoong buhay.

Pulos pahaging din ito sa intrigang hiwalayan nila ng car racer na si Daniel Miranda.

vuukle comment

CARLO AQUINO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with