^

Pang Movies

‘Jowa’ ni Janice, may GF na British girl!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
�Jowa� ni Janice, may GF na British girl!
Janice

Wow in a relationship na pala ang Korean superstar na si Song Joong-ki.

Ayon sa kumalat na report, isang non-showbiz ang nasabing girl.

At tiyak ang isang masayang / malungkot, si ­Janice de Belen.

Adik na adik si Janice kay Song Joong-ki.

Si Song ang pinaka-favorite ni Janice ngayon. Nasa wall paper pa ng cell phone niya si So Joong-ki. “Sorry break na kami Lee Min-ho, kay So Joong-ki na ako. Mas gusto ko siya. K drama na ang lovelife ko. Kasi lulong ako sa K drama,” kuwento niya nang huli namin siyang nainterview.

Sa Descendants of the Sun niya unang napanood si So Joong-ki at since then hooked na siya. “Ayoko sana siyang panoorin noon (Descendants…) dahil may mga soldier-soldier. Pero that time my mom just died so medyo sad ako, nakita ko so napanood ko, since then minahal ko na siya,” naalalala pa ni Janice.

Kaya naman wala na raw sa isip niya ang mag-asawa.

Mas priority na niya ngayon ang mga Korean actor. At ito na raw ‘asawa’ niya.

“Parang wala na akong kailangang i-prove. Nagpakasal na ako, failed relationship. Nahiwalay ulit ako. Nagka-relationship ulit ako,” sagot niya sa tanong kung naiisip pa ba niyang mag-asawa.

Anyway, nakikiusap ang management ni Song na iwasan ang fake news tungkol sa bagong dini-date ng Korean actor. “We would be grateful if you refrained from publishing any speculative or unconfirmed reports,” ayon sa mga report na lumabas kahapon.

Pero ang isang kuwento, British woman ang dini-date ni Song na ex wife si Song Hye-kyo.

Trending kahapon ang Joong-ki kung saan kasama niya sa isang kumalat na video ang nasabing girl although pareho naman silang naka-mask.

Mga nanonood ng sine, mas dumami!

Pila-pila sa mga sinehan kahapon.

In all fairness, maraming lumabas para gastusin ang kanilang mga napaskuhan.

Pero hindi pa rin ganun kalaki ang kita. May pelikulang P320,000 lang ang total amount ng kita sa first day.

Kaya worried ang iba na baka matsugi na ang pelikulang ito sa mga sinehan.

Ang sinasabing nag-top sa first day ay 31 million daw sa first daw. Ito ‘yung movie ni Vice Ganda and Ivana Alawi.

Sana nga ay maging consistent ang manonood at magtuluy-tuloy ang pila hanggang matapos ang 10-day festival sa mga sinehan.

Samantala, agad nagbigay ng statement si MMDA Acting  Chairman Atty. Romando Artes. 

“Ako, kasama ang buong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikulang bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito kahapon, Araw ng Pasko.

“Labis naming ikinagagalak ang suportang ipinamamalas ng publiko sa MMFF, base sa mahahabang pila sa mga sinehan hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Hiling namin ang inyong patuloy na suporta hanggang sa pagtatapos ng MMFF sa January 7.

“Sa pamamagitan nito ay matutulungan natin ang unti-unting pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.”

Rabiya may pa-havey sa Pasko!

Sexy ang pamasko ni Rabiya Mateo sa kanyang followers.

Naka-pink two piece bikini siya na may malaking ribbon.

Para actually ‘yun sa ini-endorse niyang alahas pero at least nakakaala siyang magpa-havey sa kanyang followers sa social media.

Eh yung ibang celebrity mas priority ang mga pinupuntahan nila sa kanilang social media posting.

Anyway, ang chika nagkabalikan sila ni Jeric Gonzales pero ayaw na nilang ipangalandakan.

Baka nga serious level this time kaya ayaw na nilang masyadong i-flex.

Pero ang sabi, mas in love raw si Rabiya kay Jeric kesa mas in love si Jeric kay Rabiya.

Aww...

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with