^

Pang Movies

Ultimate winner ng Running Man Ph, magkakaalaman na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ultimate winner ng Running Man Ph, magkakaalaman na!
Mikael Daez

Who will be the First Ultimate Winner of the game show Running Man Philippines? Tonight na ang finale episode ng Pinoy adaptation ng Korean game show na Running Man Philippines at malalaman na kung sino ang magiging first winner sa seven contestants na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales, and Buboy Villar. 

Wala ka kasing itutulak-kabigin sa kanila dahil nakaya nilang gawin ang lahat ng tests in every episode na wala kang maririnig na reklamo, very professional  sila at ang mahalaga ay nagawa nila ang tasks na ibinigay sa kanila, sa kabila ng mainit na araw, malakas na ulan at malamig na panahon.

Wala pang pahayag ang GMA kung kailan nila sisimulan ang second season nito.

Mapapanood kung sino ang tatangha­ling winner tonight at 7:50 p.m. after the Christmas presentation of Daig Kayo Ng Lola Ko nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Lianne, wagi sa 11th OFW Gawad Parangal 

Congratulations to Kapuso actress Lianne Valentin! Tinanggap ni Lianne ang Best Supporting Actress award mula sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration, bilang pagkilala sa kanyang mahusay na pagganap sa Apoy Sa Langit na nakasama niya sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at Zoren Legaspi. Nagpasalamat si Lianne sa Sparkle GMA Artist Center nang tanggapin niya ang award.

Katatapos din lamang mag-renew ng contract ni Lianne sa management.

Dahil sa panalo ni Lianne, natuwa ang netizens nang pumasok siya sa GMA Afternoon Prime drama series na Abot-Kamay na Pangarap na nakasama niya sina Carmina Villarroel, Jillian Ward at Richard Yap.

Boyet at Pip, pinasaya ang fans sa US

Nag-post si Lynn Cruz, wife ni Chairman & CEO of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) Tirso Cruz III, ng pics and videos ng series ng successful shows nila ng kaibigang si Christopher de Leon sa Los Angeles, San Francisco, Virginia, New York at Chicago, USA.

Mukhang nabitin ang fans nina Boyet at Pip, na tinawag silang ‘living legends, as if they refused to get old, still great looking’ kaya nagtatanong kung hindi raw sila magkakaroon ng shows sa iba pang lugar sa US, sana raw ay magkaroon din sa United Kingdom.

Sinagot naman sila ni Lynn, na hopefully, next year makabalik sila muli sa US.

Sa ngayon kasi, kailangan na nilang bumalik sa Pilipinas, dahil kailangan na si Pip sa work niya as FDCP chairman at mayroon pa rin siyang taping ng GMA Primetime series na Maria Clara at Ibarra na napapanood every night sa GMA 7 at 8 p.m.

 

vuukle comment

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with