^

Pang Movies

Ken, gustung-gusto nang magka-love life

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ken, gustung-gusto nang magka-love life
Ken Chan

Hindi itinanggi ni Ken Chan na gustung-gusto na raw niyang magkaroon ng love life. Pero dahil sa mga nagiging abala sa buhay niya, nananatili pa rin siyang loveless hanggang ngayon.

Sa naging interview ni Ken sa podcast ni Nelson Canlas, sinabi ni Ken na kaya wala siyang love life ay dahil kulang ang panahon niya para mahanap iyon.

“Gusto ko na talaga. Gustung-gusto ko na. Pero grabe, ano eh, totoo pala ‘yon, na kapag unti-unti mong natutupad ‘yong pangarap mo sa buhay, ‘yong goals mo na nandiyan na sila sa harapan mo, hindi naman sa hindi mo na kailangan pero hindi mo hinahanap. Hindi mo hinahanap o wala kang time.

“Kasi ‘yan isa kong natutunan sa love. Sa love kasi ang natutunan ko don’t look for love, just wait for it, darating ‘yan sa’yo. Ako kasi ‘yong tao na kapag nagmahal ako at pumasok ako sa isang relationship I make sure na 100% kong maibibigay ‘yong time ko.”

Bukod kasi sa pagiging artista, businessman si Ken at may mga negosyo na siyang inaasikaso tulad ng gasoline station at kanyang mga cafe.

Priority rin daw ni Ken ay ang kanyang pamilya. Alam naman daw ng lahat na dumaan ang pamilya nila sa matinding krisis noong magkasakit at maospital ang ama ni Ken. Pero hindi naman daw nakakalimutan ni Ken ang kanyang sarili at sa future family niya.

Rere, si Katrina ang peg

Idolo pala ni Rere Madrid si Katrina Halili at ang pagiging kontrabida nito sa mga teleserye and gusto niyang matularan.

Sa afternoon series na Unica Hija, isa si Rere sa kontrabida ni Kate Valdez.

“Paiba-iba ang ugali rito ng character kong si Aica. Kailangan akong maging mabait, kailangan akong maging masungit, maging mataray, ‘yung mga gano’n,” sey ni Rere.

Nag-enjoy raw si Rere sa pagganap niya bilang kontrabida sa teleserye na To Have and To Hold. Kaya ang peg daw niya sa pagiging kontrabida sa Unica Hija ay ang co-star niyang si Katrina Halili.

Hindi nga naman makakalimutan ang iconic kontrabida roles ni Katrina sa mga teleserye na Marimar, Darna, Munting Heredera, Rosalinda, Beauty Queen, Destiny Rose, D’Originals, Sa Piling Ni Nanay at The Stepdaughters.

Legendary diva na si cher, 40 years ang tanda sa jowa

Pinakilala na sa publiko ng legendary diva na si Cher ang kanyang boyfriend na isang music executive na si Alexander “AE” Edwards.

Cher is 76 samantalang 36 lang si AE. Kaya may 40-year age gap sila na ginagawang issue ng ilang netizens.

Sa isang tweet, pinagtanggol ng Oscar winning actress ang kanyang boyfriend at hindi raw problema sa kanila ang apat na dekadang age gap.

“LOVE DOESN’T KNOW MATH, IT SEES. Rinpoche told me, ‘Some people meet, others recognize,” tweet pa niya.

Kinasal si Cher sa dalawang lalake: Sonny Bono (1964 to 1975) and to Gregg Allman (1975 to 1979).

Naka-date naman niya ang ilang Hollywood actors na mas bata sa kanya tulad nila Val Kilmer, Tom Cruise and Rob Camilletti.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with