^

Pang Movies

Thea, hirap ‘pag ‘di kontrabida!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Thea, hirap �pag �di kontrabida!           
Thea

Inamin ni Thea Tolentino na nahihirapan siyang umarte kapag mabait ang role na binibigay sa kanya. Mas at home raw talaga siya kapag kontrabida.

Sa bagong kinabibilangan na teleserye ni Thea sa GMA na Mano Po Legacy: The Flower Sisters, ginagampanan niya si Dahlia Chua na isang anak sa labas at tinittiis ang mga panlalait sa kanya ng kanyang half-siblings na sina Lily (Aiko Melendez), Iris (Angel Guardian) at Violet (Beauty Gonzalez).

“Nung umpisa po medyo kinakapa ko pa kasi talagang mabait yung character ko, but with the help of the directors po, talagang sinasabi nila sa akin na ‘Thea, mukha kang mataray dito. Let’s tame it down,’”

Pagkatapos ngang manalo ni Thea sa talent search ng GMA na Protege: The Battle For The Big Artista Break noong 2012, sunud-sunod na kontrabida roles ang binigay sa kanya: Pyra: Babaeng Apoy, Anna Karenina, Kambal Sirena, The Half Sisters, Once Again, Hahamakin Ang Lahat, Destined To Be Yours, Asawa Ko Karibal Ko, Haplos, Inday Will Always Love You, Madrasta, The Lost Recipe at Tres Hermanas.

Elijah, dalaga na

Dalaga na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan.

Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabida na si Brianna sa Prima Donnas ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay.

Sa Instagram ng Nice Print Photo, pinost nila ang mga kuha ni Elijah na parang isang prinsesa sa may hinihintay sa balcony. Sey pa ng isang netizen ay para siyang si Taylor Swift sa music video na “Love Story”.

Bongga ang suot ni Elijah na sparkling gown with matching tiara.

Binalita naman ni Elijah na next year ay mapapanood siya sa bagong teleserye kasama sina Lexi Gonzales at Hailey Mendes titled Underage.

Pang-momolestya ni Harvey, hahatulan na

Dinidinig na sa korte in Los Angeles ng mga kaso ng dating “most powerful man in Hollywood” na si Harvey Weinstein.

Kinakakaharap ng 70-year old former studio executive ang labing-isang kaso na kinabibilangan ng sexual battery by restraint, forcible rape and forcible oral copulation against women in Beverly Hills and Los Angeles hotels between 2004 and 2013.

Ginamit din daw ng dating producer ang kanyang physical size at ang kanyang posisyon sa film industry para makapambiktima ng mga baguhan at promising actresses. 

If convicted, Weinstein, na nag-plead not guilty to all counts, ay masesentensyahan for more than 100 additional years sa bilangguan. Kasalukuyang sine-serve na niya ang 23 years sentence niya sa mga naging sex crimes niya sa state of New York.

Higit na 90 women ang nagpatunay na naging biktima sila ng sexual harassement and sexual assault ni Weinstein. Kabilang sa mga babaeng ito ay mga kilalang Hollywood actresses na sina Gwyneth Paltrow, Angelina Jolie, Salma Hayek, Kate Winslet, Mira Sorvino, at Ashley Judd.

vuukle comment

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with