^

Pang Movies

Bianca, gusto ring maramdaman ang sakit sa panganganak

Pang-masa
Bianca, gusto ring maramdaman ang sakit sa panganganak
Bianca

MANILA, Philippines — Na-interview ni Nelson Canlas si Bianca King sa kanyang vlog  at masayang ibinalita na may family members at friends from the Philippines na bibisita sa kanya sa Australia.

“Ben and Iza (Calzado) are planning on coming, Rhian (Ramos) is also coming in October tapos I have friends coming in November. By first week of November I cannot travel anymore,” balita ni Bianca.

Nabanggit pa nito na bibisita rin sa kanya sa Australia ang parents niya at may mga kaibigan pa siyang bibisita pagkapanganak niya.

Sa Christmas, ang parents ng husband niyang si Ralph Wintle naman ang bibisita. Based sa UK ang kanyang in-laws.

Isa pang ibinalita nito ay ang plano niyang manganak via water birth. Ginawa ito nina Max Collins at Coleen Garcia at para pag­handaan ito, manonood daw siya ng videos sa YouTube at vlogs para mas may malaman pa sa water birth.

“My goal is really to have an intervention-free and drug-free natural birth ‘yung allow the labor to happen on its own time.”

“Natural miracle” pala ang tawag ni Bianca sa kanyang pagbubuntis dahil plano na nila ng asawa to undergo IVF treatment, tapos dumating ang magandang balita.

Jinkee, inaasahan sa fan meeting ni Ji Chang-Wook

Matutuloy na ang pagbisita ng South Korean heartthrob na si Ji Chang-wook at ang Bench at si Ben Chan ang magdadala sa kanya sa bansa. Magkakaroon ng fan meeting sa Nov. 6 sa SM Mall of Asia Arena.

Maraming Pinoy fans si Ji Chang-wook na matutuwa sa balitang ito at isa na si Jinkee Pacquiao na for sure, hindi mahihirapang makakuha ng tiket.

Napanood na sa GMA 7 si Ji Chang-wook sa mga series na Empress Ki  at Healer. May iba pa itong series gaya ng K2 na hindi pa naipalabas sa local television.

Julia, nasanay na sa ‘hiwalayan’ nila ni Gerald

In-address na rin ni Julia Barretto ang paulit-ulit na tsikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson at sa tuwing may bagong leading lady ang aktor, ang kasunod na balita ay ang breakup.

Sa pahayag at paglilinaw ni Julia sa balita, siguradong hindi pa rin matatapos ang break-up issue sa kanila ng boyfriend.

“Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up. I think that’s a sign na we’re really able to protect out relationship and keep it private. Serious. I would say I do feel safe in this relationship. I don’t think I’ll get into a relationship with somebody I don’t trust, so I do trust him and he shows me that every single day. There’s just no reason for me to doubt.”

Sa nakaraang birthday ng mom ni Gerald na si Vangie, kasama nilang nag-celebrate sa Spiral, Sofitel Manila ang aktres at nakikanta pa ng Happy Birthday. Sa third birthday ng pamangkin ni Julia na si Millie, kasama rin sa mga bisita ang boyfriend niya, kaya going strong pa rin ang kanilang relasyon.

Kim, ‘di makapaniwala sa nadiskubre kay Alden

Ang ganda ng role ni Kim Domingo sa Start-Up PH bilang si Stephanie Rios, gorgeous lawyer, fashion designer, at Sandbox PH aspirant. Isa pang description sa karakter ni Kim ay “arrogant dreamer” at walang respeto sa kanyang mga kasama sa trabaho.

Bagay kay Kim ang kanyang role at karakter at tiyak na magmamarka sa viewers kahit ‘yung hindi pa nakapanood ng original version ng series. Dream come true sa sexy star ang makasama sa cast ng series dahil natupad ang matagal na niyang dream na makasama sa trabaho si Alden Richards. Hindi na-disappoint si Kim sa mga nadiskubre kay Alden at may bonus pa siyang nadiskubre na ‘di niya akalain. Mahilig daw palang magkuwento at magpatawa si Alden.

Anyway, isa pang aabangan sa Start-Up PH ay ang official soundtrack nito dahil may 10 songs na kasama kabilang ang Magtiwala Ka na duet nina Thea Astley at Jeremiah Tiangco.

Sa Sept. 26, 8:50 p.m. na ang world premiere nito sa direction nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

vuukle comment

BIANCA KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with