^

Pang Movies

Jackie, naaligaga sa 85th birthday ni Pilita  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jackie, naaligaga sa 85th birthday ni Pilita               
Pilita at Jackie

Nag-share si Jackie Lou Blanco ng ilang photos sa social media ng birthday celebration ng mother niya, ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Nag-turn 85 si Mamita noong nakaraang Aug. 22. Present din sa simpleng salu-salo ay ang kapatid niyang si Ramon Christopher Gutierrez.

Two years daw kasing hindi nakapag-cele­brate ng kanyang birthday si Ms. Pilita dahil sa pandemic. Hindi rin daw ito nakakalabas ng kanyang bahay.

Dahil maluwag na ang lahat, naisipan ni Jackie na bigyan ng party si Mamita at ang iba pang members ng pamilya nila na matagal na niyang hindi nakita.

Thankful si Jackie na nasa magandang kalusugan si Mamita at ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Naging busy rin si Jackie sa lock-in taping ng Start-Up Ph kung saan kasama niya sina Alden Richards at Bea Alonzo.

Mga anak ni Romnick, tanggap ang kapatid sa ibang babae

Naging open na si Romnick Sarmenta tungkol sa kanyang anak sa girlfriend na si Barbara Ruaro.

Sey ni Romnick na bago pa man ang relasyon niya at ang pagkakaroon ng anak sa nobya ay ipinaalam niya ito sa mga anak nila ng dating misis na si Harlene Bautista. Naipakilala na niya ang anak na lalaki na si Raza sa mga anak niya kay Harlene.

“Ang unang concern ko was to tell my kids. And to make it clear, before I got into a relationship again, talaga, I had to talk to my kids. Kailangan kong ipaliwanag sa kanila. Kailangan kong sabihin sa kanila. And I had to make them feel at masiguro nila na nothing is changing. May madadagdag sa buhay ko, may mada­dagdag sa buhay ng mama nila but it doesn’t change who they are and what they are to us.

“So nung sinabi ko na nagdadalantao kami... Sabi ko ‘we’re pregnant.’ Actually I didn’t expect them to be so excited about it. Tapos wala na inutusan na nila ako na kailangan lalaki ‘yan. Tapos hanggang sa bunsong babae ‘yun ang sabi niya ‘Papa, I want a brother.’ Kasi puro sila sisters. Si kuya lang nila ang lalaki... So sabi ko we will see whatever the Lord gives us, hindi ba? But the moment we found out na it’s a boy I told them and they just couldn’t wait to see him,” sey ni Romnick.

Maayos naman daw ang relasyon niya kay Harlene na ang boyfriend naman ay si Frederico Moreno:

Taong 2018 nang maghiwalay sina Romnick at Harlene matapos ang 19 years na pagsasama at nagkaroon ng limang anak.

Jennifer at Ben, pinagkaguluhan sa Italy

Nasa Italy ngayon ang newly-weds na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Namataan sina Mr. and Mrs. Affleck na naglalakad sa streets of Milan at namimili sa ilang high-end boutique stores.

Suot ni Jennifer ay white crop top with white jeans and platform heels with matching fedora hat. Si Ben naman ay suot ay blue long-sleeve shirt with white undershirt, jeans, white kicks, and shades.

Pinagkaguluhan ng fans ang mag-asawa habang naglalakad sila at okey lang sa kanila na kunan sila ng photos.

Nagtungo naman ang dalawa sa Lake Como kung saan nagrenta sila ng isang speed boat. Pumunta sila sa gitna ng lake at sabay nilang hinintay ang paglubog ng araw.

Kinasal noong nakaraang Aug. 20 sina Jennifer at Ben sa 87-acre Georgia estate na pag-aari ng groom. Tatlong wedding gowns ang sinuot ni Jennifer throughout the wedding na lahat ay gawa ni Ralph Lauren.

vuukle comment

JACKIE LOU BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with