^

Pang Movies

Nadia, pang-teleserye ang mga pinagdaanan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nadia, pang-teleserye ang mga pinagdaanan
Nadia at mga anak.

Taong 2017 nang sumakabilang-buhay ang longtime partner ng actress, entrepreneur, philanthropist at vlogger na si Nadia Montenegro na si Macario ‘Boy’ Asistio, dating mayor ng Caloocan City at ama ng kanyang pitong anak.

Ayon sa aktres, para umano siyang nawalan ng pak­pak gayundin ang kanyang mga anak nang pumanaw si Boy dahil ito umano ang nagsilbing inspirasyon sa kanilang pamilya.

Magmula nang yumao si Boy, mag-isang hinarap ni Nadia ang responsibilidad bilang ina’t ama ng kanyang mga anak. Ang maganda lamang ay malalaki na ang mga bata nang iwan sila. “But there is no single day na hindi namin siya naaalaala,” pag-amin ni Nadia na napakaraming pagsubok na ang pinagdaanan since she was a child.

She was five nang ma-witness niya at ng kanyang tatlong kapatid ang pagiging battered wife ng kanilang inang si Mommy Linda na naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Mag-isang binuhay ni Mommy Linda ang kanyang apat na anak.

Siyam na taong gulang noon si Nadia nang ito’y mahulog sa isang four-storey building pero siya’y nabuhay.

She was 11 at nasa elementary grade sa Colegio de San Agustin in Makati nang pumasok siya sa showbiz at sumunod sa kanya ang kapatid na si Tanya Montenegro at sila’y nagsimula sa bakuran ng Regal Films.

Aminado si Nadia na naging rebellious umano siya sa kanyang paglaki dahil sa kanyang mga nasaksihan when she was a kid.

In showbiz, na-expose si Nadia sa maraming bagay lalo na when she started earning her own money. Natuto umano siya sa barkada, manigarilyo, uminom and she even tried drugs at a young age and even boys. Pero ang lahat ng ito ay nahinto lahat nang dumating sa kanyang buhay si Boy who’s 36 years her senior and good enough na kanyang maging ama.

Sixteen years old pa lamang noon si Nadia nang ligawan siya ni Boy hanggang sa maging sila. She was 17 nang maging pregnant sa kanyang panganay na anak and gave birth when she turned 18.

At 18, hindi pa ganoon ka-mature mag-isip si Nadia pero alam niya ang magiging consequence ng kanyang pinasok na relasyon. She knew that Boy had other relationships at may mga anak din ito sa iba’t ibang babae. Pero tunay na pagmamahal ang kanyang naramdaman sa kanyang partner.

Tulad ng isang warrior, she was ready to face the battle regardless kung anuman ang kahihinatnan.

Ganoon katapang at kadeterminado si Nadia na aminado na hindi naging madali ang lahat. 

Ang maganda kay Nadia, hindi lamang niya na­ging mga kaibigan ang mga ina at mga anak ni Boy kundi naging close pa niya ang mga ito.

Si Boy ay nag-iwan ng 24 children (including 7 kay Nadia) mula sa iba’t ibang babae.

Janelle Tee, ayaw magsisi sa pagpapa-sexy

Hindi ikinakaila ng dating beauty queen-turned sexy star na si Janelle Tee na mahirap sa kanya ang magpalit ng image bilang sexy star pero wala umano siyang pinagsisihan dahil desisyon niya ito.

Magmula nang siya’y lumagda ng kontrata sa Viva ay naging sunud-sunod na ang paggawa niya ng mga sexy movie na lahat palabas sa Vivamax.

Mula sa Kinsenas Katapusan ni Direk GB Sampedro, to Secrets ng award-winning writer-director na si Jose Javier Reyes, Putahe ni Direk Roman Perez, Jr. at sa pinakabago niyang movie, ang The Escort Wife ni Direk Paul Basillo, Janelle showed flesh in these films pero ang maganda ay lutang ang kanyang husay sa pag-arte.“Alam naman ng marami na ang pagpapa-sexy is just temporary pero kung mahusay kang umarte, magtatagal ka sa industriyang ito,” pahayag ng 2019 Miss Earth Philippines.

Bukod sa acting, Janelle who hails from Davao is also a good host na kanyang ipinakita nang maging bahagi siya sa dating Wowowin ni Willie Revillame sa GMA.

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with