^

Pang Movies

Kim na-haggard sa lindol, Noli de Castro naere ang real time ang pagyanig

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim na-haggard sa lindol, Noli de Castro naere ang real time ang pagyanig
Kim Chiu.

Kabilang si Kim Chiu sa na-haggard sa malakas na lindol kahapon ng umaga.

Post ni Kim, parang dagat na maalon ang kanyang pakiramdam sa nangyari na ang Abra at Ilocos ang matinding napinsala.

“OMG. Hala ang lakas ng lindol. I’m scared. OMG na-haggard ako dun. Akala ko nasa dagat ako na sobrang alon! ‘Yung gumaganun-ganun. Pero tapos na, may aftershock na lang?” habang pinapakita ni Kim ang video ng kanilang gumagalaw na ilaw sa bahay.

Marami ngang nag-panic at nahilo sa nasabing lindol maging dito sa Metro Manila.

Si Ms. Rei Tan ng Beautederm Corporation na taga-Ilocos ay agad nag-update sa group chat na nagliparan ang mga gamit sa bahay ng kanyang mga kamag-anak sa Vigan at nagkasugat-sugat ang mga bata dahil sa takot ng mga ito sa lakas ng lindol.

Real time rin umere sa TeleRadyo show ni Kabayan Noli de Castro ang nasabing lindol dahil noong time na lumindol ay kausap niya ang president ng Philippine Medical Association na nasa Ilocos Sur na gumalaw nga habang kausap niya.

Nawala ang signal ng kausap ni Kabayan, hanggang siya na ang nilindol sa studio ng TeleRadyo.

Talagang kakaiba ang lindol kahapon, ang lakas at maraming napinsala.

Katips, naglakas-loob na makipagsabayan sa Maid...

May kasabay palang Tagalog film saAugust 3 playdate ang controversial movie na Maid In Malacanang, ang Katips.

Ang pelikulang ito ang nakakuha ng pinaka-maraming nominasyon sa FAMAS pero sa August 3 pa lang ito mapapanood sa mas maraming sinehan.

Naipalabas na raw ito noong November 2021, kaya’t nakasama ito sa mga ni-review ng FAMAS at suwerte na sila ang nakasungkit ng pinaka-maraming nominasyon  ayon sa producer, writer, director at actor na rin ng pelikula na si Vince Tanada.

Pero wala silang takot na makipagtapatan sa Maid in Malacanang. “Alam kong malulugi kami, pero handa kaming gawin ang lahat para mapanood din ang aming pelikula,” bungad ni Direk Vince sa isang face-to-face media conference nito kahapon.

Aminado siyang wala silang maraming sinehan, konti na lang, dahil bukod sa naging biglaan ang desisyon nilang ipalabas ito, alam nilang higanteng pelikula ang kalaban nila.

Ngayong araw din lang ito iri-rate ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Katips: Ang Mga Bagong Katipunero ayon pa kay Direk Tanada ay tatalakay sa sinasabi nilang ‘darkest  era’ ng Philippine history.

At isinalaysay sa pelikula na isang musical ang diumano’y lihim na grupo na nagpoprotesta laban sa mga kalupitan noong panahong iyon, na nagbabalik-tanaw sa mga aktwal na pangyayari noong Martial Law pati na rin ang paglalahad ng mga umuusbong na kuwento ng pag-ibig ayon pa sa producer at director nito.

Hangad ni Direk Tanada na sa pagtatapat ng dalawang pelikula nang magkaiba ang tema ay makatulong sila upang mabuhay ang interes ng mga tao na manood sa mga sinehan.

AJ, nag-bikini kahit iniintrigang buntis

Nag-upload ng bikini reel si AJ Raval kahapon. Obviously ay para patunayang hindi siya nagdadalang-tao at hindi pa sila magkakaanak ni Aljur Abrenica.

Ilang seconds lang actually ang nasabing reel na nasa beach siya suot ang tiny two-piece bikini.

Ayaw tigilan ng intriga si AJ na siya ay buntis.

Pero sunud-sunod ang pagpapakita niya ng tiyan na wala namang nakaumbok o ebidensiya na siya ay magiging ina na ulit. Ulit dahil may ilang source ang nagsasabi na talaga diumanong nagkaanak si AJ sa nauna niyang karelasyon.

Karapatan naman ni AJ ni magtago o ilihim ang kung anumang meron siya sa buhay niya.

Liza nagmukhang baguhang celebrity sa Korean TV show

Kung sa bansa ay big star si Liza Soberano, nang mag-guest siya sa isang TV show sa Korea parang papa-umpisa pa lang siya sa kanyang career.

Napanood nga ang guesting niya sa programang Not Hocance But Scance hosted by Ye Ji-won, Ji-young Kang, Nicole Jung and Soyou.

Chikahan lang ito over barbeque set-up ng apat na host habang ininterview nga si Liza.

Aniya nang tanungin siya kung anong ginagawa niya sa Korea : “Kind of vacation and kind of work. I am just exploring Seoul.

Inamin din niyang huge fan siya ng K-Pop and K-Dramas kaya gusto raw niyang magtrabaho roon.

May isang host na nakaka-English kaya nagkaintindihan naman sila.

Pero ‘yun nga, parang hindi pang-status ng career ni Liza sa bansa ang naging appearance niya.

Mas mabuti rin siguro kung talagang seryoso siyang magka-career sa Korea, mag-aral din siya ng kanilang language.

Sunud-sunod ang social media exposure ni liza kasama ang mga Korean artist, pero ano nga bang future niya sa bayan ng mga oppa.

 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with