Nadine, kupas na raw ang ganda!

Nadine Lustre.

Anyare…

Ito ang tanong ng ibang fans and followers ni Nadine Lustre.

Bakit daw parang kupas na ang ganda ni Nadine sa mga pictorial niya na naglalabasan sa social media. As in lumusog na rin daw ang dating pinagnanasaan ng bayan.

Lately ay busy si Nadine sa activities nila ng ex niyang sina James Reid na naghaha-handle ng career ni Liza Soberano.

Nauna nang napintasan si Nadine na mukhang tiyahin ni James nang magkasabay sila sa isang fashion ball kamakailan.

Jake Zyrus, ‘di na kinakahiyang balikan ang sexual molestation 

Na-feature ang kuwento ng buhay ni Jake Zyrus sa GQ.com.

Dito ay inilahad niya nang buung-buo ang kanyang naging buhay.

Sa bandang huli ay sinabi naging inspirasyon ang pinagdaanan niya sa kabila ng mga hirap.

 “Even my situation with my family, the abuse, I was sexually molested when I was a kid, I get messages saying that they also had those experiences. Those messages become my inspiration. It makes me feel really proud of them and it makes me feel really humbled that this is my purpose.”

Dagdag niya sa interview : “Someday when I have my kids and all, I can’t wait to tell them that this was my journey. Like, “This is what happened.” That will be my biggest achievement in life,” bahagi pa ng pahayag niya sa interview ng GQ na pinasalamatan ng dating si biriterang Charice na ngayon ay proud transgender man.

Kasalukuyang nasa Amerika si Jake na may naka-schedule na US tour ayon pa rin sa nasabing interview.

 

Show comments