Rita, hirap ang katawan sa pagbubuntis

Rita Daniela.

Sobrang happy and excited si Rita Daniela sa kanyang first pregnancy. Sa isang sit-down interview ay ibinahagi niya ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong malapit na siyang maging isang ina.

“I’m very, very excited and happy because this is a new chapter in my life na hindi siya mapapalitan ng kahit ano, hindi siya matutumbasan ng kahit ano. Excited to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mom,” pahayag ni Rita.

“Nagdalawang beses na akong nag-portray ng nanay, na sobrang laki pa ng tiyan ko. Dati, iniisip ko pa, ganito ba talaga kapag nanay?,” sabi pa ng aktres.

Dahil sa pagbubuntis, ani Rita ay maraming pagbabago sa kanyang katawan. “’Yung emotional side, dahil sa hormones, ramdam na ramdam ko na siya tapos ‘yung pagbabago sa physical. I’ve always been on the bigger side, mas nararamdaman ko ‘yung balakang ko, at mas lumalaki siya. Sumasakit ‘yung likod ko, napansin ko rin hinihingal ako kahit kumakain ako hinihingal ako. Nung una, hindi ko pa matanggap,” aniya.

“Noong una pinush ko pa talaga, ayaw kong maging tamad na buntis e kaya sabi ko, hindi ‘yan, kaso ‘pag pinush ko, bumibigay ‘yung katawan ko. Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon, hindi ako makalakad kasi masakit paa ko. Totoo pala siya, you really have to take extra care.”

Ibinahagi rin ng aktres na siyempre ay maingat siya ngayon sa kanyang mga kinakain at wala raw siyang partikular na pinaglilihian. “Definitely the food, I have to be careful. Maraming nagtatanong, anong pinaglilihian ko, honestly wala. Kung maglihi man ako two days lang tapos ayaw ko na. Ang lagi kong hinahanap in every meal, laging may sabaw, laging may gulay, saka fruits. Pinipilit kong kumain ng healthy,” she said.

Ang talagang hindi pa mai-share sa ngayon ni Rita ay ang boyfriend na ama ng kanyang dinadala dahil non-showbiz naman daw ito. “It’s my decision not to share anything about us, about him to everyone because he’s not a showbiz personality. He’s a private person and our relationship has always been private,” she said.

Samantala, naging positibo ang pagtanggap ng mga tao especially ng kanyang fans sa kanyang pagbubuntis and for that, very thankful ang aktres.

Christine, aware na second choice sa Scorpio...

Sobrang thankful ni Christine Bermas na siya ang napili na gumanap bilang bida sa pangatlong remake ng Scorpio Nights.

Aminado ang bagong sexy star na nagulat siya when it was offered to her. Bale ba, bago pa man ibinigay sa kanya ito ay may iba raw sana siyang gagawing movie pero biglang sinabi sa kanya na hindi na raw siya ang gagawa. ‘Yun pala ay papalitan ito ng Scorpio Nights 3.

Kwento nga niya sa solo presscon niya na ginanap last Wednesday, nalungkot at umiyak pa raw siya nang bawiin sa kanya ‘yung first project na ibinigay sa kanya lalo pa nga’t Joel Lamangan film ito.

Aware naman si Christine na second choice siya for the role at ang first choice ay si AJ Raval  at para sa kanya ay wala naman daw problema sa kanya kung first or second choice siya.

Matatandaang orihinal na ginampanan ni Anna Marie Gutierrez ang Scorpio Nights noong 1985 at sinundan naman ni Joyce Jimenez noong 1999. Aware naman si Christine na hindi maiwasang mai-compare siya sa naunang dalawang aktres at aminado siyang may pressure talaga. Pero ibinigay niya raw ang lahat-lahat sa pelikulang ito and so far ay ito na raw talaga ang boldest and most daring movie niya so far.

Mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo, kasama rin sa Scorpio Nights 3 sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron. Mapapanood na ang world premiere nito sa Vivamax sa July 29.

Show comments