^

Pang Movies

Nora, kita sa hitsura na may sakit  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, kita sa hitsura na may sakit           

MATAPOS na mabalitang may sakit si Nora Aunor, at hindi pinayagan ng kanyang mga doctor na lumabas sa ospital at tanggapin nang personal ang kanyang National Artist award, nakita naman siyang nagtungo sa Malacañang para ipaabot ang personal na pasasalamat kay Presidente Digong.

Maganda namang gesture iyon sa bahagi ni Nora. Kahit na sabihin mong totoo na noong una ay ni-reject din siya ni Presidente Digong bilang national artist, at least bumawi iyon bago umalis sa kanyang puwesto.

Ang akala ng iba noon, wala nang gagawing deklarasyon si Presidente Digong dahil paalis na rin naman siya. Kaya nga ang pag-asa nila baka kay Presidente BBM na lang mangyari iyon tutal na­ging open si Nora na para kay BBM siya.

Pero nakakabahala ang hitsura ni Nora sa pictures. Lumalabas na napakataba niya at mukhang hindi nga siya fit. Parang bloated si Ate Guy.

Halata mong may sakit pa rin siyang iniinda.

Iyan ang dapat na bantayan at ingatan ng Noranians, baka naman napapabayaan na naman ang kanyang kalusugan. Hindi maliwanag kung sino nga ba ang nag-aalaga sa kanya bagama’t may balitang kasama si Lotlot sa mga nag-aalaga sa kanyang sa hospital.

Hindi na bumabata si Nora. On her own, mukhang hindi naman niya napaghandaan ang kanyang pagtanda.

Palagay namin, at ito naman ay aming opinion lamang, mas makabubuti kung pipisan na lamang siya at maaalagaan ng sino man sa kanyang mga anak, kaysa nag-iisa siya at hindi mo malaman kung anong pangangalaga ang ginagawa sa kanya.

John Lloyd, ‘di maitagong nagkakaedad na

Gagawa na ba ng pelikula si John Lloyd Cruz? Iyon ang iniisip ng mga nakabalitang nakipag-meeting na ang kanyang management team sa movie production executives ng GMA 7. Matagal nang walang pelikula si John Lloyd, at siguro dapat na nga niyang isipin iyan dahil bukas na ang mga sinehan sa ngayon.

Napansin din namin nang minsang makita namin ang kanyang sitcom, iba na ang dating ng hitsura ni John Lloyd. Mukha na siyang nagkakaedad. Hindi na rin siya mukhang matinee idol na bagets, na natural naman dahil tumatanda na siya talaga. Pero bago man lang siya tumanda nang todo, makagawa siya ulit ng mga pelikula.

Iyong ginawa naman niyang indie noong magbalik siya, hindi napansin. Natural indie eh. Sino ba ang papansin sa indie, lalo na kung hindi naman mahalay?

Mga blogger, nangongopya para kumita

Natawa kami talaga sa isang blogger nahalata namin na kinopya ang isa naming item, dahil pati ang personal naming opinion kinopya niya. Ang ginagawa kasi nila binabasa lang nila ang istorya ng mga lehitimong reporter mula sa lehitimong media at pinalalabas na sila iyon mismo.

Pero sabi nga ng isang aktres, “papaano niya nasabi iyon eh hindi ko naman siya kilala”?

Eh alam naman siguro ninyo, sa hirap ng buhay ngayon maraming mga tao ang naghahanap ng mga pagkakakitaan.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with