^

Pang Movies

Tom at Carla, sa pera nag-umpisa ang problema!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tom at Carla, sa pera nag-umpisa ang problema!             

Bagama’t kumakalat nga rin ang mga usapan, mukhang walang gustong bumanggit nang diretsahan na ang naging mitsa sa hindi pagkakasundo nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay ang financial stability ng kanilang pamilya. Inaamin naman ni Tom, at maging ni Carla na hanggang sa huling sandali ay mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Natural din naman na magkasabay nilang binuo ang mga pangarap nila para sa kanilang pamilya, pero dahil sa isang pagkakamali na inaamin naman ni Tom, nagsimula ang hindi nila pagkakasundo.

May sources kaming nagsasabi na may isang taong napagtiwalaan si Tom na inakala niyang makakatulong sa kanila pero in the end ay na-scam siya. Hinabol niya ang taong iyon kaya siya nagpunta pa sa Cebu, at inabot pa roon ng malakas na bagyo, sa pag-asang kahit na papaano mababawi pa niya ang kanyang investment, hindi man lahat. Pero natakbuhan na nga siya ng scammer. Doon talagang lumala ang problema at nadamay na nga ang relasyon nilang mag-asawa.

Hindi rin namin maidetalye ang lahat. Ganoon lang ang kuwento ng aming source. At inuulit namin, ang impormasyon ay mula sa isang outside sources, hindi mula sa kampo ni Tom o ni Carla.

Ang kanilang network ay naglabas din ng statement na sana raw pabayaan na lang muna ang dalawa, at umaasa sila na magkakasundo pa sila.

Ginawa rin nila ang statement sa panahong hindi pa nila alam na natapos na ang usapin ng divorce ng dalawa sa US.

Kobe at Erika, maraming pinakilig

Mabilis talaga ang mga Marites. Magsyota na nga ba ang magaling na cager na si Kobe Paras, at ang anak na dalaga ni Ina Raymundo na si Erika Portunak?

Nagsimula ang mga tsismis dahil sa kumalat sa social media na pictures nilang dalawa na magkasama sa isang resort.

Hindi naman sinabi kung ang resort ay sa Pilipinas o sa abroad, dahil pareho naman silang galing doon.

May panahong nasa US si Kobe nang subukan niyang pasukin ang basketball sa varsity roon. Si Erika naman ay talagang nasa US.

Ang dating kasi ni Kobe sa fans ay isang “po­ging cager,” si Erika naman, kagaya ng nanay niya ay talagang maganda.

Kinikilig ang fans sa kanila.

Matinee idol, semplang sa mga ka-loveteam

Kung sinu-sino na ang kanilang itinambal kay matinee idol, pero wala silang makuhang ka-partner noon na magpapakilig sa kanyang fans gaya noong dati. Mukhang malabo ang dating lalo na ngayong binigyan siya ng leading lady na mas matandang ‘di hamak sa kanya.

Palagay namin ang dapat nilang gawin ay maghanap talaga ng isang baguhan, iyong charming naman.

Tapos kailangan ang isang matinding damage control para matigil na ang mga kuwento tungkol sa kanila ng isa pang male star.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with