^

Pang Movies

Paolo, na-bash sa kaldereta ni Yen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Paolo, na-bash sa kaldereta ni Yen

Na-bash na naman si Paolo Contis dahil sa post sa personal account niya sa Facebook na pinasalamatan si Yen Santos sa ipinadalang kaldereta at brown rice. Sa kanyang post, nasa harap ni Paolo ang ipinadalang pagkain ni Yen at may caption na “Kaldereta! Pero brown rice! Thank you Lilieyen Santos” na sinagot ni Yen ng “My pleasure.”

Naka-tag sa personal account din sa FB ni Yen ang post ni Paolo na nakita pa rin ng netizens, kaya katakut-takot na naman ang comment kay Paolo. Sa rami nga ng nag-comment, nakalagay ang “Popular” sa account ni Paolo.

Hindi pa dine-delete ni Paolo ang mga comment na “Kaldereta as a friend,” “proud pa... dapat ito ang tinanggal sa bubble gang,” “nagpapa viral si paolo gusto na naman pag-usapan,” “tigas ng mukha,” ‘loud and proud: at “Yen, pa deliver din ako ng ganyan.”

Siguradong may mga bisita ang FB account ni Yen, pero matagal na siyang hindi nag-a-update at 2019 pa ang last post niya.

The Voice, nasa GMA na rin

Kapuso na pala ang The Voice dahil sa balitang ang GMA Network na ang may right sa franchise ng singing competition. Ang balita nga, last year pa raw nasa GMA na ang franchise right ng The Voice, pero ngayon lang nababalita.

I-a-announce raw ang tungkol sa pagkakuha ng GMA sa franchise sa

July 30, sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa Shangrila-The Fort. Si Bamboo pa lang sa coaches ang sabi’y kumpirmadong kasama sa paglipat ng singing competition. Nag-uusap pa yata ang GMA at kampo ni Sarah Geronimo.

Ang balita pa, uunahin munang gawin ang The Voice Kids at next year na ang adult version ng The Voice. Gagawin pa rin daw ng GMA ang The Clash dahil original concept ito nila.

Sharon, napagkamalang nag-out din

Natawa naman kami, may mga nag-akala palang si Sharon Cuneta ang nag-come out na queer hanggang nabasa na ni-post nito ang post ni Miel Pangi­linan. Ang sumunod na post ay kay Sharon at ang ganda ng sinabi nito at 100 percent ang suporta kay Miel.

Ang suwerte ni Miel sa pagkakaroon ng mom gaya ni Sharon at dad gaya ni Sen. Kiko Pangilinan na nagpahayag din ng suporta sa anak. May nabasa kami kaming comment na “Hope my parents would do the same” at kasunod ang sad emoji.

Imagine, kung gaano kalungkot ang buhay ng batang ito na hindi matanggap ng mga magulang kung ano siya?

Maymay, ngayon lang naging priority

May pahayag si Maymay Entrata patungkol sa Canadian boyfriend niyang si Aaron sa interview sa kanya ng Star Magic YouTube.

“Lahat yata ng need ko sa isang guy na pinagpe-pray ko, binigay ng Panginoon at iyon ‘yung very thankful ako araw-araw. Sobrang madiskarte siya sa buhay. Tapos very mapagmahal sa pamilya, tapos napaka-caring niya po talaga hindi lang sa salita kundi sa gawa. At ang maganda dun kapag consis­tent ‘yung tao sa’yo. Araw-araw kang mapu-fall hindi lang sa umpisa, araw-araw talaga. Ganito pala ‘yung feeling na ako ‘yung priority.”

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with