^

Pang Movies

Kuya Kim, 12 taon hinintay si Pokwang   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kuya Kim, 12 taon hinintay si Pokwang            

Excited na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at new Kapuso actress Rabiya Mateo sa pagsisimula nila sa bagong Kapuso project, ang one-of-a-kind countdown variety show na every minute counts, ang TiktoClock. Magsisimula na itong mapanood next month, sa July, kapalit ng morning show na Mars Pa More nina Camille Prats at Iya Villania.

Bago sila nagsimulang mag-taping, nag-bonding muna ang hosts at naihayag nila ang pasasalamat na mapabilang sa bagong show. Nagpasalamat si Pokwang na mayroon muli siyang bagong show at makakasama si Kuya Kim at ang hahabol daw sa ganda niya, si Rabiya.

Twelve years daw namang hinintay ni Kuya Kim na makatrabaho niya si Pokwang.

Para kay Rabiya, “another blessing” iyon sa kanya.

Ito kaya ang panggamot ni Rabiya sa lungkot niya sa kontrobersya ng relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Rayver, na-challenge sa pagiging billiard player

Na-challenge pala si Rayver Cruz, nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang role niya bilang si Miguel El Salvador, ang mahusay na billiard player sa sportserye na Bolera, na pinangungunahan nila ni Kylie Padilla, kasama rin nila sina Jak Roberto at Ms. Jaclyn Jose. “Alam ko po mahirap ang role, unang-una, hindi naman ako billiard player, may konti po akong alam, pero hindi naman kasing-husay ng character na ginagampanan ko ngayon, kuwento ni Rayver.

“At hindi po pwedeng dayain ang paglalaro, kaya thankful po kami kina coach Johann Chua at George Gregorio, na parehong gold medalists sa billiards, sa katatapos na SEA­Games sa Hanoi, Vietnam. Kailangang makuha namin ang tamang pagtira, kaya after ng training, pakiramdam ko professional billiards player na rin ako. Ganoon din daw ang feeling ni Kylie tuwing nagti-taping kami.”

Dagdag pa ni Rayver, magkatulad din sila ng character niyang si Miguel, dahil sa kanyang dedication at passion sa kanyang career at sa personal niyang buhay.

Gabi-gabing napapanood ang Bolera at 8:50 p.m., after ng First Lady sa GMA 7.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with