^

Pang Movies

Nagkita sa fashion ball... James at Nadine, wala nang kilig!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nagkita sa fashion ball... James at Nadine, wala nang kilig!         

May mga kumalat na pictures ni James Reid na kasama si Nadine Lustre at  kuha sa isang fashion ball.  Pero sabi nga ng aming source, ang picture ay cropped para magmukhang silang dalawa ang magkasama pero ang totoo, marami sila sa picture.

Walang duda na ang naglabas ng cropped photo ay sinusubukan kung ano ang magi­ging reaksiyon ng mga tao kung pagsasamahing muli sina James at Nadine.

Ramdam na lumamig na ang kanilang career nang maghiwalay sila matapos mag-live in.

Hindi pa naman nagki-click si James bilang solo artist, lalo na nga’t hindi rin naman kinagat ng tao ang kanyang musika.

Si Nadine, nang mahiwalay din kay James ay nakadalawang magkasunod na pelikulang semplang sa takilya. At ngayon ay may karelasyong negosyante.

Pero mukhang mali ang timing ng kanilang pagpaparamdam na magkasama.

Iba na rin ang hitsura nila ngayon.

Alam mong nag-mature na sila at hindi na katulad ng dati na parang konting galaw lang nila, marami na ang kinikilig.

Saka ang dami na ngayong mga mas batang loveteam. Na mas nakakakilig at fresh ang hitsura.

Kaya paano pa sila babalik? Saka may babalikan pa ba sila?

Pagba-bar ni Joshua, ginawan ng kontrobersya

Natiyempuhan ng ilang Maritess si Joshua Garcia sa isang bar na may kausap na babae.

Aywan kung bakit naman nakagawa agad ng conclusion ang Maritess na nagpapanggap na vlogger eh nasa Dubai ngayon si Joshua.

Kesyo kausap daw ni Joshua ay “jowa niya” at dahil nasa loob siya ng bar, “naglalasing siya”.

Pero hindi naman dahil nagpunta si Joshua sa isang bar ay naglalasing na siya.

In the first place may nabalitaan na ba tayong kaguluhan na involved si Joshua?

Maraming tao na nagpupunta sa mga bar para lang magkaroon ng diversion, iyong mabago naman ang kanilang kapaligiran para hindi naman sila ma-bore.

Hindi dahil sa may nakausap na babae may jowa na. Mas masama naman kung may bumati sa kanya at hindi niya pansinin. Artista siya at kailangang marunong siyang makibagay.

Ngayon ang tanong ay ano naman ang motibo ng vlogger sa mga bagay na iyon?

Saka, ang ginagasta naman ni Joshua ay pera niya, hindi naman siya nanghihingi o nangungutang.

Matinee idol, gumagawa ng paraan para pag-usapan ulit

Mukhang nakakahalata na nga ang isang matinee idol na hindi na ganoon kainit ang kanyang popularidad, at maging ang popularidad ng kanyang ka-loveteam.

Walang dudang ang kanilang kasikatan ay naapektuhan ng napakatagal na absence dahil sa pandemya, at mukha ngang hindi pa matindi ang resulta ng kanilang ginawang comeback.

Nagtatanong na raw si matinee idol kung ano ang dapat niyang gawin para maibalik ang dating init ng kanyang career.

Ang nasa isip daw noon ay naapektuhan na ng mga mahahalay na promo ng ibang male stars ang kanyang wholesome image.

Pero tiyak na mapapansin siya kung magbo-bold na rin siya.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with