^

Pang Movies

First lady, may sepanx...   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasa last three weeks na lamang ang seryeng gabi-gabing nagtatala ng high rating sa GMA Telebabad, ang First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, at 8 p.m. after 24 Oras. Kaya may separation anxiety na ang buong cast na nasa last days of taping na. “Kaya po nagbuo kami ng vlog na tinawag naming DEARS,” sabi ni Sanya sa Instagram stories niya. “Promise namin sa isa’t isa na lagi kaming mag-uusap sa vlog, at isi-share rin namin ito sa inyo. Naging maganda at enjoyable ang pagsasama naming lahat, since nagsimula kami sa first season last year pa at hanggang ngayong June pa kami, kaya naging close na kami sa isa’t isa, like a big family.”

Bitoy, pinalitan si Direk Bert

Magbabalik na this Saturday, June 11, ang original cast ng Pepito Mana­loto: Tuloy ang Kuwento, Book 3. Matatandaang nagsimula ang most successful comedy show ng GMA 7 last March 2010. Nagkaroon ito ng ilang relaunch, until noong pandemic ay nagkaroon ito ng prequel, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na pinagbidahan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos as the young Michael V. at Manilyn Reynes.

At sa book 3, balik nga ang original cast na sina Michael V. at Manilyn.

Kung naging masaya ang cast dahil muli silang magbabalik, nalungkot naman sila nang pumanaw na ang kanilang director na si Bert de Leon during the pandemic. Ayon kay Ronnie Henares sa interview: “With Bitoy as our new director, we put our trust and confidence in him and we look forward to his new lea­dership in directing the show.”

Barbie, na-excite sa comeback ng Jhabea

Nagpasalamat ang nagbabalik-Kapuso na si Ariel Rivera, na tinutukan ng netizens ang bago niyang GMA Afternoon Prime drama na The Fake Life. Kasama dito ni Ariel sina Sid Lucero at Beauty Gonzalez. Nagtala ito ng mataas na rating kaysa kasabayan nilang programa.

Natuwa rin ang viewers nang mapanood nila ang tween stars noon na Tween Hearts na sina Bea Binene, Jhake Vargas at Kristoffer Martin. Kaya napa-tweet din si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at nagpaabot ng pagbati para sa dating co-stars: “JhaBea is back with Tuntun! Let’s go!”

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with