^

Pang Movies

Rufa Mae seryosong maging senador!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Rufa Mae seryosong maging senador!

Seryosong kumandidatong senador si Rufa Mae Quinto sa susunod na election.

Kahapon sa media conference ng ‘comeback’ show niya sa GTV ay inamin ni Rufa Mae na na-inspire siya nang sumama sa kampanya noong nakalipas na presidential elections.

Maalalang sumampa siya sa stage para kina President elect Bongbong Marcos and VP Sara Duterte.

Pero nag-join din siya sa grupo ni Sen. Manny Pacquiao.

At doon daw niya nakitang puwede siyang maging senador. Keri pala raw niya.

“Naisip ko, parang ang mga artista puwedeng-puwede pala. Ang mga kaibigan ko nasa pulitika,” pahayag niya sa interview after the presscon.

Pero senado raw talaga ang target niya. Ayaw niya sa ibang position.

“Ayoko sa congress, maraming offer,” sabay tawa niya habang kinukulit ng anak.

“Pero magpapa-rehistro raw muna ako,” hirit niya.

“Na-enjoy ko kasi nung mag-campaign ako. Sabi ko ganundin naman pala ang ginagawa, so mag-campaign na rin ako. Kaya ko pala,” dagdag ng komedyana na hindi pa alam kung mapapapayag niya ang mister na sa Pilipinas na sila maglagi bilang nakikita niyang malaki ang potential na maging todo uli ang career niya sa bansa.

Pero bigla siyang nag-dialogue : “Mahal din kasing tumakbo so hindi pa rin alam. Hahaha.

“Hintayin ko muna kung sinong tatakbo sa susunod na election. Makikisakay na lang ako sa plane. Kanina ko lang naisip,” sabay ulit tawa na very Rufa Mae na ang tinutukoy ay kung sino ang kakandidato uling presidente after six years.

At kung mananalo siya, may leading lady na sina Senators Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada and Robin Padilla.

At bilang nangampanya siya kay Pres. Marcos Jr., handa ba siyang tumanggap ng posisyon o mag-apply kung sakali sa cabinet position sa papasok na administration?

“Ah puwede ako sa Tourism.  DILG. Gagamit ako ng batuta,’ sabay tawa ulit niya.

Anyway, todo na ang back to showbiz niya. At kung makukubinse nga niya ang mister na sa Pilipinas na sila tumira lalo na at gusto ng anak niya sa bansa dahil andito pala lahat ng mga laruan nito.

Saka pakiramdam daw niya ay safe na kasi ang Pilipinas.

Noon daw kasi parang lagi siyang nakaka-allergy, etc., laging lockdown, etc. Pero ngayon normal na raw ang lahat kaya ok na siya.

Iniwan niya sa Amerika ang mister niyang si Trevor Magallanes pero kasama niya ang anak ngayon na si Alexa.

Umuwi siya ng bansa recently matapos ma-lockdown sa Amerika. Bakasyon lang sana ang plano niya pero namatay ang kanyang kapatid.

At ang tinawagan lang daw niya ay ang mga taong malalapit sa kanya pero kumalat na at nagkabit-kabit na ang offer.

Ngayon ay isa siya sa mga bida sa bagong GTV comedy show, Tols sa GTV.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with